Home Headlines OFW mula Dubai positibo sa South African Covid variant

OFW mula Dubai positibo sa South African Covid variant

750
0
SHARE

MINALIN, Pampanga — Isang 36-anyos na babaeng overseas Filipino worker mula Dubai ang nagpositibo sa South African variant ng Covid-19.

Ayon kay municipal health officer Dra. Rina Pilao, ang OFW ay dumating sa bansa noong ika-4 ng Pebrero at sumailalim sa 14-day quarantine sa isang hotel sa Maynila bago umuwi sa Barangay Sta. Catalina noong ika-20 ng Pebrero.

Ngunit matapos makauwi ay lumabas na ang resulta noong ika-28 ng Pebrero na positibo ito sa South African Covid-19 variant.

Agad na pinuntahan ng mga medical workers ang OFW at dinala sa quarantine facility sa New Clark City sa Capas, Tarlac. Wala naman daw itong sintomas ng sakit.

Habang ang anim na kasama nito sa bahay ay kukuhanan ng swab test at sasailalim sa home quarantine habang inoobserbahan.

Bukod sa kanila ay patuloy pa ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng OFW mula noong umuwi ito sa Minalin noong Pebrero 20 hanggang ngayong Marso 4.

Napag-alaman din na nagtungo pa ang OFW sa Angeles City kayat nakipag-ugnayan na sila sa city health office at inabisuhan na rin ang mga kaanak nito na dinalaw ng OFW doon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here