‘Of Maguindanao Massacre again’

    361
    0
    SHARE
    Kung may matibay na ebidensya laban
    Sa isang dati manding ‘PAF official’
    Ang NBI, upang ito ay kasuhan
    Ng ‘bribery,’ aba’y gawin na agad yan;

    At di na dapat pang mapatumpik-tumpik
    Ang kagalang-galang nating NBI Chief,
    Na si Atty. Diaz, kung saan lumapit
    Itong umano’y opisyal na nabanggit

    Na nagtangkang suhulan ang isang ‘witness’
    Ng di kukulangin sa sampung milyones
    Sa pamamagitan mismo nitong opis
    Ng Kagawaran ng ating Paniniktik.

    Para kausapin si Kenny Dalandag,
    (‘Vital witness’ sa ‘massacre’ na naganap)
    Upang alukin nga nitong bumaligtad
    At baguhin lahat ang unang pahayag

    Na nagdidiin kay Zaldy Ampatuan,
    Na may kinalaman ito sa naturang
    Madugong ‘massacre,’ na kinasangkutan,
    Kaya ninanais niyang makausap yan.

    Ito’y malinaw na kasong panunuhol
    Nitong kung sinumang opisyal na pulpol,
    Para iabswelto ang isa pang gunggong
    Na katulad niya sa pagkaka-kulong!

    Kaya marapat lang na makasuhan siya
    Ng ‘bribery’ upang matikman din niya
    Ang makulong gaya din nitong aniya
    Ay ina-anak daw ba ng simbergwensa?

    Knng katulad nitong opisyal pa mandin
    Ng gobyerno itong minsa’y nagsisilbing
    Emisaryo’t promoter di mabuting
    Gawain ay anong maasahan nating

    Suporta mula sa kinauukulan
    Upang ang totoo at makatarungang
    Paghimay sa tunay na hustisya ang siyang
    Umiral, kung ganyang nabibili po yan?

    Kaya’t sa isyung yan, kung tayo’y may sapat
    Na batayan upang ang kaso’y iakyat
    Sa DOJ para kasuhan at sukat
    Itong nag-alok ng pera kay Dalandag

    Para hilingin niyang bumaligtad ito
    At baguhin n’yan ang testimonya nito,
    Si PAF Colonel Juanito Mariano
    Ay sabit at tiyak na namimiligro

    Na makukulong din kapag nagkataon,
    Sapagkat ang kasong tangkang panunuhol
    Ay maituturing na ‘heinous crime’ ngayon,
    Kundi man ‘life sentence’ ang posibleng hatol.

    At kung ang Media ang ating tatanungin
    Ay baka maarng walang tanging hiling
    Sa ‘ting courts of justice kundi madaliin
    Ang ‘due process’ na kinakailangang gawin

    Upang tuldukan na ang napakatagal
    At nilulumot ng kaso nitong angkang
    Ka-alyado dati ni Mam Macapagal,
    Ngayong itong huli’y Congresswoman na lang.

    At di na kasangga ng mga damuho
    Itong nakaupo ngayon sa Palasyo;
    Na inaasahan nating pagbabago
    Tungo sa mahusay na pangungubyerno

    Ang paiiralin sa lahat ng oras
    Maging sa pagsunod sa Saligang Batas;
    Ng walang mahina at walang malakas,
    Kundi ng maka-Diyos na pamamalakad!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here