Upang mabigyan ng tunay na hustisya
Ang pagkasawi ng mga peryodista,
Na ang tanging misyon nila sa pagsama
Sa convoy ng noo’y magpa-’file’ lang sana
Ng ‘certificate of candidacy’ nito
Sa pamamagitan ng asawa mismo
Ay magabayan at alalayan ito
Hanggang Shariff Aguak, kasama ang grupo.
Subali’t sa hindi nga inaasahan
Ay hinarang sila ng suspek sa daan
At ang lahat na ay walang patumanggang
Pinagbabaril ng mga lapastangan.
Kasama pati ang iba pang biktima
Na walang awa ring idinamay nila
Sa brutal at lubhang napakalupit na
Uri ng pagkitil sa buhay ng iba.
Na ang tanging naging partisipasyon lang,
Partikular na ang mga ‘attorneys’ n’yan,
Sa ‘convoy’ nitong kandidatong naturan
Ay ‘legal advice’ at ‘moral support’ lamang
At magampanan ang banal na tungkulin
Ng may dedikasyon sa puso’t damdamin,
Gaya nitong mga kapatid po natin
Sa media, na ang natatanging layunin
Ay maihatid sa mga mamamayan
Ang totoo’t patas na ulat kailanman,
Bilang responsableng tagapag-ulat ng
Mga pangyayari sa kapaligiran.
Pero haya’t bunsod lang ng kasakiman
Sa materyal na bagay nitong iilan,
Ang pumatay yan ng walang pakundangan
Ay bale wala na sa kasalukuyan.
Kaya patuloy namang namamayagpag
Sa kapangyarihan itong sandamakmak
Na kakutsaba sa gawaing di tumpak
Ng ilang opisyal na nakatataas.
Na gumagamit ng salapi ng bayan
Para manatili sa posisyong tangan
Kaya’t nagsisilbing galamay ng ilang
Pulitiko itong kanilang ‘goons & guns.’
Di bale nang magkasala kay Bathala
Makamit lamang ang baluktot na nasa,
Sa kaparaanan na kasumpa-sumpa
Na kagaya nitong ating naging paksa.
Na napabalitang pinamumuhan
Ng nakababatang Andal Ampatuan;
At siya itong sa naturang ‘scene of crime,’
Ayon sa ilang ‘witness’ ang may kagagawan.
Sa kasong ‘murder’ na walang pangalawa
Sa mundo ang bigat ng pagkakasala,
At kung saan hanggang ngayon ay hindi pa
Umusad ang kaso laban sa kanila.
O di nabigyan ng marapat na aksyon
Sa kapanahunan o administrasyon
Ng dating Pangulo, dala ng umano’y
Malakas yata kay Mam ang pamilyang iyon?
Sana naman ngayong iba na kumbaga
Itong sa Palasyo may hawak ng renda,
Ang nasabing kaso ay maresolba na
Ng naaayon sa patas na hustisya.
Pagkat hangga’t ito ay nananatiling
Sa ‘courts of justice’ lang ito nakabimbin
Ang Media, sa isyung yan ay di titigil
Sa pagkalampag at laging pagbi-’vigil’!
Ang pagkasawi ng mga peryodista,
Na ang tanging misyon nila sa pagsama
Sa convoy ng noo’y magpa-’file’ lang sana
Ng ‘certificate of candidacy’ nito
Sa pamamagitan ng asawa mismo
Ay magabayan at alalayan ito
Hanggang Shariff Aguak, kasama ang grupo.
Subali’t sa hindi nga inaasahan
Ay hinarang sila ng suspek sa daan
At ang lahat na ay walang patumanggang
Pinagbabaril ng mga lapastangan.
Kasama pati ang iba pang biktima
Na walang awa ring idinamay nila
Sa brutal at lubhang napakalupit na
Uri ng pagkitil sa buhay ng iba.
Na ang tanging naging partisipasyon lang,
Partikular na ang mga ‘attorneys’ n’yan,
Sa ‘convoy’ nitong kandidatong naturan
Ay ‘legal advice’ at ‘moral support’ lamang
At magampanan ang banal na tungkulin
Ng may dedikasyon sa puso’t damdamin,
Gaya nitong mga kapatid po natin
Sa media, na ang natatanging layunin
Ay maihatid sa mga mamamayan
Ang totoo’t patas na ulat kailanman,
Bilang responsableng tagapag-ulat ng
Mga pangyayari sa kapaligiran.
Pero haya’t bunsod lang ng kasakiman
Sa materyal na bagay nitong iilan,
Ang pumatay yan ng walang pakundangan
Ay bale wala na sa kasalukuyan.
Kaya patuloy namang namamayagpag
Sa kapangyarihan itong sandamakmak
Na kakutsaba sa gawaing di tumpak
Ng ilang opisyal na nakatataas.
Na gumagamit ng salapi ng bayan
Para manatili sa posisyong tangan
Kaya’t nagsisilbing galamay ng ilang
Pulitiko itong kanilang ‘goons & guns.’
Di bale nang magkasala kay Bathala
Makamit lamang ang baluktot na nasa,
Sa kaparaanan na kasumpa-sumpa
Na kagaya nitong ating naging paksa.
Na napabalitang pinamumuhan
Ng nakababatang Andal Ampatuan;
At siya itong sa naturang ‘scene of crime,’
Ayon sa ilang ‘witness’ ang may kagagawan.
Sa kasong ‘murder’ na walang pangalawa
Sa mundo ang bigat ng pagkakasala,
At kung saan hanggang ngayon ay hindi pa
Umusad ang kaso laban sa kanila.
O di nabigyan ng marapat na aksyon
Sa kapanahunan o administrasyon
Ng dating Pangulo, dala ng umano’y
Malakas yata kay Mam ang pamilyang iyon?
Sana naman ngayong iba na kumbaga
Itong sa Palasyo may hawak ng renda,
Ang nasabing kaso ay maresolba na
Ng naaayon sa patas na hustisya.
Pagkat hangga’t ito ay nananatiling
Sa ‘courts of justice’ lang ito nakabimbin
Ang Media, sa isyung yan ay di titigil
Sa pagkalampag at laging pagbi-’vigil’!