Home Opinion ‘Of high profile inmate at BuCor’

‘Of high profile inmate at BuCor’

467
0
SHARE

KUNG totoo itong may ilang ‘high profile’
na ‘inmate’ sa Munti ang tila ay kusang
ipinapapatay nitong kung sino riyang
nasa loob din ang ating pag-usapan.

Kung saan at sino mismong taga BuCor
ang may pakana ng patagong pag-‘dedbol
sa napabalitang high profile na presong
inilabas basta sa pagkakakulong.

At saka dinala sa Medical Clinic
ng BuCor, pero yan di na ibinalik
sa selda n’yan dahil daw nagka-pandemic;
di kaya sila ay kusang iniligpit?

Kundi man nang dahil sa sila mismo riyan
na ilang ‘high profile’ at saka ibang pang
ganyan din ang uri ng ‘negosyong’ tangan,
sila-sila itong d’yan nagpapatayan?

Puede ring sanhi ng dayaan sa dapat
kitain ng ibang diyan sa ‘illegal drug,’
nakasalalay na ang kanilang bukas
maasahan pang sa maka-Diyos tatahak?

Maraming mitsa ng mga pangyayari
kung kaya marahil imbes idetinete
sa ‘BuCor’ itong ‘high profile’ na nasabi,
pinatahimik na r’yan ng mas salbahe.

Maari din namang may mga opisyal
nitong ating tanging Pambansang Kulungan
ang kwenta Kapural sa kabulastugan
kaya para walang kumanta, pinatay?

Anuman itong sa ganyang pangyayari
d’yan sa ‘BuCor’ ay di natin masabi
kung sino talaga ang sabi’y binigti
na ‘high profile inmate.’ ito ay diskarte;

Na r’yan ng ‘high profile’ ding opisyal pati
sa ganang pananaw riyan ni ‘yours truly’
at di simpleng kasong ating masasabi,
sapagkat ang ganyan – nakaka-kuryente!

Bahala na riyan ang namamahala
sa pambansang piitan sa Muntinglupa
kung kanino nito ipagkatiwala
itong pagtuklas sa kung sinong may gawa.

Para makatiyak kung sino talaga
ang pasimuno ng kapagka dinala
ang ‘high profile inmate’ mismo sa klinika
ng ‘BuCor for check up’– paglabas bangkay na?

Kaya nga’t kapwa rin n’yan mga ‘high profile’
na di pa natiklo dapat nang maglubay
sa ganito dahil sa ganang palagay
ng marami yan ay iisa ang kulay.

At walang ika nga ay pinagka-iba
sa asal ng mga Tatiaw – kung magkita
away kaagad ang kanilang tirada
gayong ngayon pa lang nagpanagpo sila.

Di ba’t kasabihan galit ang kawatan
sa ika nga kapwa raw n’yan magnanakaw?
Ang ‘high profile drug lord’ wala ring iniwan
sa iba, sanhi r’yan ng ginagalawan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here