Home Opinion ‘Of dangerous hospital waste’

‘Of dangerous hospital waste’

809
0
SHARE

ITONG hinala ni Gob ‘Nanay’ Pineda
hinggil sa aniya’y may mga haulers na
bumibiahe’t sa Maynila nagdadala
ng buhangin at ng katambal na graba.

At pagbalik n’yan ay posibleng may backload
na basura mula sa naturang lungsod
at karatig – malamang tama ang kutob
ni ‘Nanay’ – na dito n’yan ibinubuhos.

Partikular na r’yan itong hospital waste
na sa ganang atin ay direktang grave threat
sa lahat ang taglay nitong banta sa health
ng ganitong bagay na unsolicited.

At kung saan itong naturang basura
na patagong dito tinatapon nila,
driver at pahinante r’yan ang kumikita
ng husto pati na mga kakutsaba.

At kaya marahil sa transfer station
ng segregated waste mismo ng Capitol,
nakapagtatakang ito’y may kahalong
ibang uring garbage na di natin tapon?

Na lubhang malayo kaysa karaniwan,
at higit sa lahat ang peligrong taglay
ng ganyan posibleng tayo’y mahawahan
ng kung anong sakit ng mikrobyong taglay.

At malamang din na tama ang hinala
ni ‘Nanay’ na itong dulot na pinsala
ng ganyang dito sa atin ginagawa
maaring mas grabe kung di masansala.

Sanhi n’yan napilitan niyang ipag-utos
manmanan ang sa MRF may hakot
na di galing sa ‘tin, tulad d’yan ng bulok
na basurang natuklasan ni ‘Nanay Gob’.

Kung saan hulihin aniya ang sinumang
magtapon dito sa ating lalawigan
ng kahit anumang ipinagbabawal,
partikular na ng bagay na naturan.

Na siyang nararapat para sa kanila
na kumita lang ng kahit kaunting barya,
isusugal n’yan ang hanapbuhay nila
kapalit ng panandaliang ginhawa.

Tama lang sa puntong ‘yan si “Nanay Baby”
sa aniya’y dakpin ang sinumang mahuli
na magtapon nitong basurang nasabi,
tanggal permiso ang pinaka-penalty.

At hindi na sila puedeng mag-renew pa
ng ‘permit to haul’ ng buhangin at graba
para ihatid sa Maynila’t iba pa,
bilang karagdagang bigay na parusa.

(Ikulong sa ganang akin kung kailangan
para magtanda at huwag pamarisan
ng kapwa haulers na pasaway din minsan
sa pagtalima sa wastong panuntunan).

Sanhi na rin nitong kapag di naghigpit
ang Kapitolyo sa di kanais-nais
na gawain itong sa illegal practice
namihasa, hindi titino ang ‘culprit’!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here