Nitong akuatro (4) ng buwan ng Febrero
Na ginanap sa lungsod ng San Fernando
Ang ‘11th year’ na pagkatatag nito
Bilang isang lungsod ay kabilang tayo
Sa kanilang mga piling panauhin
Na dumalo upang saksihan po natin
Sa okasyong ito pati ang ‘ground breaking’
Ng itinatayong ‘city college building’
Na kabilang o isa sa ‘8 point agenda’
Ni Mayor Oca sa panunungkulan niya
Upang mabigyan ng ibayong pag-asa
Ang mga mahirap na batang iskwela
Na matatalino pero di makayang
Tustusan ng mga sariling magulang
Para matupad ang adhikain nilang
Makapagtapos ng kolehiyo – at sila’y
Maging bahagi ng lipunang ang antas
Ng pamumuhay ay may magandang bukas,
At mabawasan ang bilang ng mahirap
Sa isang payapa’t maunlad na siyudad.
Na pangarapin ng ‘World Class City Mayor’
Para sa lungsod ng San Fernando ngayon,
Na kung saan unti-unti at patuloy
Itong natutupad at di rin malayong
Ya’y maging ‘habitat of human excellence’
Sa administrasyon ni Mayor Rodriguez,
Pagkat isa sa pangunahin niyang ‘target’
Ang ‘human rights’ pati ng kanyang ‘constituents’
At una na nga riyan ang sila’y mabigyan
Ng disente kahit na simpleng tahanan,
Tulad ng ‘informal settlers’ na nabigyan
Sa Northville ng bahay na malilipatan.
Tunay at talagang ang gaya ni Oca
Ay maituturing na isang biyaya,
Partikular na sa mga maralita
(Na siyang higit sa lahat una yata?)
Kung kaya higit pa sa isang bituin
Ay naikumpara ang taglay na ningning
Ni Mayor Rodriguez ng isa rin nating
Kapwa ‘writer’ na ang pangalan ay Irwin.
Na kabilang sa siyam na TOFA Awardees
Na pinarangalan sa Siyudad ‘in public’,
Sa Heroes Hall at kung saan nga nasambit
Ni Irwin Nucum ang ang doon ay narinig
Na pananalitang ang tulad ni Oca
Ay walang iniwan sa ningning ng Tala
Ang taglay na kislap kung ikumpara nga
Sa isang bituin, sa simpleng salita.
(Na posibleng di lang itong siyudad ngayon
Ng San Fernando ang kanyang mapasulong,
Kundi pati na rin ang ‘Pampanga Region’
Sakali’t naising pumalaot doon?)
Sa kabuoan ng ‘11th Cityhood
Anniversary’ ng maunlad na lungsod
Ay matagumpay na lubos naidaos
Pati ang ‘TOFA night’ na kalugod-lugod
Ang pagtatapos ng programa at lahat
Ng may koneksyon sa pagbibigay ‘award’
Kaya marapat lang na itong ‘city Dad’
Ay ipagbunyi sa nagawa sa Siyudad!