ni ‘yours truly’ mula sa isang kaanak
ng isang rape victim na hindi kaagad
nabigyang aksyon ng ating otoridad
Ang pagdulog nitong magulang ng bata
sa punong barangay dahil imbes yata
gawan ng marapat na aksyon ika nga,
ang kaso ay muntik nang mabale-wala.
Kasi naturingang ‘heinous crime’ ang kaso
at labas na yan sa hurisdiksyon mismo
ng barangay chair ay hindi inindorso
ni Mam sa pulisya ang maselang kaso.
Kundi bagkus para bagang pagtatakip
ni chairwoman at ng umano ay pulis,
na ‘Desk Sergeant’ yata… at para pang galit
nang ang ‘parents’ nitong bata ay bumalik
Upang ipa-blotter nila ang naturang
Insidente nga ng pagmolestya riyan
ng ‘suspect/rapist’ na tila ayaw nilang
ibilad ang kanyang pagkakakilanlan;
(Kung kaya posibleng ni hindi na-logbook
sa ‘police station’s blotter/daily report’
ang kaso ayon sa ating pinaka-‘source’
ng balitang baka si Kap ang may utos?
Dala marahil ng si Mam na rin mismo
ang nagsabi sa isang ‘certain’ Mr. Tulfo,
na ang nagmolestya sa bata umano
ay lumilitaw na kamag-anak nito
Bagaman inaming kamag-anak din niya
at inaanak sa (kasal?) itong ama
at ina ng bata… maliban sa aniya
ay kamag-anak din niya ang biktima?
Alam kaya nilang ‘obstruction of justice’
ang ganyan, kung saan ang ‘illegal practice’
ay siya ang nangingibabaw malimit
sa puso at diwa ng maraming ‘culprit?’
At itong Piskal kung saan idinulog
ang kaso ay hindi rin yata kumilos
upang gumawa ng kaukulang sagot
na ‘Information’ at karaka’y ni-resolved
Sanhi ng aniya’y kakapusan yata
Ng ‘sufficient in forms and substance’ ika nga;
Kundi man ni ‘official endorsement’ yata
Mula sa kung sinong otoridad wala?
Partikular na ang “Sarhento de Mesa’
(sa police station) na dapat magsampa
ng usapin sa Tanggapan ng Piskalya
para sa nasabing kawawang biktima
Ng ‘rapist’ na hanggang sa sandaling ito
ay nakalalaya pa sanhi nga umano
nitong di matukoy kung talagang sino
Sa dalawa itong ika nga’y totoo
Ang idineklara n’yan kay Mr. Tulfo
Nang mag-usap sila at dinig sa radio
ang testimonya ng bawat isa rito,
kung saan magkaiba ang pahayag nito.
Sabi ni barangay chair ay inireport
niya sa pulisya pero anong sagot
ng isang MaryJane? Wala silang report
na natanggap hinggil sa naturang gusot.
Kaya sa puntong yan… itong barangay chair
kung saan naganap ang naturang krimen,
‘Eventually, malalagay ‘in hot water’
Kapag ang kaso ay tuluyang nag-prosper!