Oblation run sa Bulacan, panawagan sa karapatang pantao

    751
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nagsitakbo ng hubot-hubad ang mga  estudyanteng kabilang sa Alpha Phi Omega         (APO) Fraternity sa Bulacan State University upang ipanawagan ang paghahanap ng katarungan sa mga nabiktima      ng karahasan at paglabag sa karapatang pantao.

    Ang oblation run ay  ginawa ng APO members  kaugnay ng ika-  110th founding anniversary ng naturang unibersidadAng kasama sa oblation run ay ang mahigit  30 mga miyembro ng APO na mga kalalakihan. Ayon kay Jerry  Villnaueva Jr., APO deputy regional director sa  Northern Luzon Administrative Region, sa kanilang oblation run ngayong taon ay panawagan  nila ang paghahanap ng  katarungan sa lahat ng nabiktima ng karahasan sa bansa. 

    Ito ay may temang: “Biktima ng nakaraan,  katarungan  huwag kalimutan.” Ito daw ay panawagan sa lahat ng mga hindi pa rin nakakakuha  ng hustisya  hanggang sa ngayon na mga nabiktima ng karahasan gaya ng pagpatay, pagnanakaw, panggagahasa  at lahat ng uri   ng kriminalidad.

    Samantalang, hinango ang oblation run na ito sa University of the Philippines. Ito na ang    ika-siyam na taon na isinasagawa ng APO sa BSU ang oblation  run. Taon-taon ay inaabangan ang oblation run na ito  sa BSU.

    Umaga pa lamang ay  nakaabang na ang mga esudyante sa kakaibang pagpapakita ng freedom  of  expression na mgakasapi ng frat. Ala-onse ng umaga,  inilabas ang hudyat ng oblation run. Paglabas ng mga participants, hiyawan na  ang mga manonood.  ilibot ng mga miyembrong ito ng frat ang naturang unibersidad  bago nagtungo sa  Freedom Tree ng BSU at doon inawit ang  kanilang fraternity hymn kung saan nagtapos ang kanilang  programa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here