‘Oblation run para sa kalikasan’

    619
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS – Tumakbo ng hubot-hubad ang mga estudyante ng Bulacan State University (BulSU) na kasapi ng Alpha Phi Omega (APO) fraternity bilang protesta sa nakakaalarmang kalagayan ng kalikasan.

    Sinaksihan ng libo-libong mga estudyante ng BSU ang oblation run na ginawa ng Epsilon Kappa BulSU Chapter ng Apo sa loob ng naturang unibersidad kahapon ng umaga.

    Mula sa APO Fraternity Office ay tumakbo ng walang saplot ang mga kalalakihan na tumagal ng halos 15 minuto.

    Pagdating sa BulSU Park ay kumanta ang mga ito ng kanilang hymno saka pa lamang bumalik ng kanilang opisina.

    Ayon kay Patrick Giana, grand chancellor ng Epsilon Kappa ng APO sa BSU, nais nilang manawagan sa publiko sa nakakaalarmang kalagayan ng kalikasan.

    Aniya, sa polusyon pa lamang mula sa mga basura na bunga ng kapabayaan ng tao ay tila mahirap ng maresolba.

    Ayon sa APO BSU Chapter, sa kanilang palagay ay mas mapapakinggan ang kanilang panawagan sa paraan ng oblation run.

    Ang oblation run ay kanilang in-adopt mula sa University of the Philippines at kanilang inilunsad naman sa BulSU noong 2006.

    Ang oblation run ng APO fraternity ay kaugnay rin ng kanilang ika-30 taong anibersaryo ng pagkakatatag sa ika-16 ng Disyembre at isinabay na rin sa 104th founding anniversary ng BulSU.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here