MALOLOS—Tinalo ni Marivic Alvarado, ang maybahay ni Gob. Wilhelmino Alvarado, si dating Gob. Roberto Pagdanganan sa pagka-kongresista sa matumal na special elections sa unang distrito ng Bulacan noong Sabado, Nobyembre 13.
Kaugnay nito, sinabi ni Pagdanganan na hindi na siya muling kakandidato, at magbabalik na lamang siya sa kanyang dating propesyon.
Ayon kay Atty. Sabino Mejarito, ang provincial election supervisor ng Bulacan, iprinoklama ng Provincial Board of Canvassers (PBOC) ang halal na kongresista bandang alas-5 ng madaling araw noong Linggo, Nobyembre 14.
Batay sa opisyal na tala ng Commission on Elections (Comelec), muling nahalal na kinatawan si Marivic Alvarado na nakaipon ng kabuuang botong 95,625 kumpara sa 41,658 ni Pagdanganan.
Ang iba pang kandidato tulad nina dating Malolos Mayor Danilo Domingo ay nakaipon lang ng botong 1,032; ang dating kinatawan ng unang distrito na si Jun Aniag ay may 400; si Tomas Valencia ay may 271 boto; at Francisco Cruz ay may botong 63.
Sa anim na kandidato, tanging sina Alvarado at Pagdanganan ang nagsagawa ng hayagang kampanya; sina Domingo at Aniag ay umurong; at sina Valencia at Cruz ay di nangampanya, ngunit ang kanilang pangalan ay kasama sa balotang inimprenta.
Ayon kay Mejarito, hindi umabot sa kanilang inaasahan ang bilang ng botanteng bumoto na umabot lamang sa 40.73 porsyento.
Batay sa tala ng Comelec, ang rehistradong botante sa unang distrito ng Bulacan ay 341,368; ngunit ang bumoto noong Sabado ay 139,049 lamang o 40.73 porsyento.
Kaugnay nito, sinabi ni Pagdanganan na hindi na siya muling kakandidato.
“I offered my services to my kababayan and they voted the other way, now I will focus on the private sector where I came from,” aniya.
Nag-akusa rin siya na may posibilidad na nagamit ang calamity ng Bulacan sa kampanya ng kanyang katunggali, ngunit pinabulaanan ito ni Gob. Alvarado.
Ayon sa gobernador, imposible ang akusasyon ni Pagdanganan dahil ang kanilang calamity fund ay nakalaan para sa dengue at pagsasaka matapos na pagtibayin ng Sangguniang Panlalawigan ang State of Calamity sa Bulacan noong huling linggo ng Setyembre.
Ito ay dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa Bulacan na lumampas pa sa epidemic level.
Hinggil naman sa kanyang mga panukalang proyekto tungkol sa kalusugan, magsasaka at pagbaha sa mga baybaying bayan ng lalawigan, sinabi ni Pagdanganan na sana ay bigyan pansin din ni halal na Kinatawan Alvarado ang mga nasabing problema.
Ito ay dahil na rin sa dumarami ang nagkakasakit sa mga Bulakenyo sa panahong ito samantalang ang mga magsasaka ay halos hindi kumikita dahil sa kapos na patubig.
Tungkol naman sa prublema sa pagbaha, sinabi ni Pagdanganan na dapat bigyang solusyon ang paglubog ng mga bayan ng Bulakan, Paombong, Hagonoy at lungsod ng Malolos na pawang matatagpuan sa unang distrito ng sa baybaying dagat ng lalawigan.