4th Dist. Rep. Maricel.Nagaño and Gapan City Mayor Emerson Pascual
LUNGSOD NG GAPAN CITY — Mistulang return bout ng dalawang pamilya ang labanan sa pagka-alkalde ng lungsod na ito sa 2022.
Ito ay matapos maghain ng kandidatura para city mayor si Dr. Rhommel Natividad nitong Miyerkules kung saan makakaharap niya si Nueva Ecija 4th District board member Joy Pascual na nagharap naman mg COC nitong Oct. 1.
Si Natividad, miyembro ng Unang Sigaw-Partido ng Pagbabago na pinamumunuan ni reelectionist Gov. Aurelio Umali. Si Pascual naman ay kasapi sa PDP-Laban na pinangungunahan sa Nueva Ecija ni incumbent Palayan City Mayor at gubernatorial bet Adrianne Mae Cuevas.
Si Natividad ay kapatid ni dating Gapan City mayor at incumbent 4th District Rep. Maricel Natividad-Nagaño samantalang si Pascual ay kapatid ni incumbent Mayor Emerson Pascual na naghain naman ng COC sa pagka-kongresista ng nasabing distrito.
Noong 2016 ay tinalo ni Pascual si Nagaño sa reeleksyon ng huli sa pagka-alkalde.
Sa bayan ng Santa Rosa, maghaharap sa pagka-alkalde sina reelectionist Mayor Josefino Angeles (PDP-Laban) at mayoralty aspirant, incumbent Vice Mayor Marie Evangelista (Unang Sigaw), batay sa talaan ng Comelec hanggang nitong Miyerkules.