Home Headlines NUEVA ECIJA PNP MAY BAGONG PROVINCIAL DIRECTOR

NUEVA ECIJA PNP MAY BAGONG PROVINCIAL DIRECTOR

183
0
SHARE
Police Col. Heryl 'Daguit' Bruno. Photo by NEPPO
LUNGSOD NG CABANATUAN –
Pormal na itinalaga si Police Col. Heryl ‘Daguit’ Bruno bilang bagong provincial Director ng Nueva Ecija police provincial office nitong Martes.
Sa seremonya ng instalasyon ay tinanggap ni Bruno ang responsibilidad mula kay Police Col. Ferdinand Germino na namuno sa NEPPO sa nakalipas na halos sampung buwan.
Pangungunahan ni Bruno ang mga istasyon at iba pang yunit ng pulisya sa 27 bayan at limang lungsod ng lalawigan.
Pinangasiwaan ni Police Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones, Jr.
bilang acting Central Luzon police Director, ang pagsasalin ng katungkulan na ginanap sa provincial headquarters ng NEPPO.
Nagpahayag ng pasasalamat si Germino sa aniya’y makahulugan paglalakbay at nanawagan sa mga tauhan ng NEPPO na ipagpatuloy ang pagkakaisa at kahusayan sa ilalim ng bagong pamunuan.
Si Bruno ay miyembro ng  SINAG-LAYA Class of 2002 at dati nang nanungkulan sa Nueva Ecija bilang hepe ng San Jose City at Talavera police stations.
Tiniyak niya ang pagpapatibay sa propesyunalismo, integridad, at lantay na serbisyo para sa pangangalaga ng kapayapaan, at kaayusan, gayundin ng tiwala ng publiko alinsunod sa direktiba ni PNP Chief General Nicolas Torre III.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here