Home Headlines Nueva Ecija: Pagtutulungan sa gitna ng ECQ pinuri

Nueva Ecija: Pagtutulungan sa gitna ng ECQ pinuri

931
0
SHARE

Si Vice Mayor Julius Cesar Vergara ay nagpapaabot ng pasasalamat sa Palayan City sa tulong nito. Larawan ng LGU Cabanatuan



LUNGSOD NG
CABANATUAN — Sa panahon ng umiiral na enhanced community quarantine sa gitna ng paglaban ng bansa sa mapanganib na coronavirus disease ay kasiya-siyang karanasan ang pagtutulungan ng iba-t ibang sector, pribado man o publikong institusyon.

Kabilang dito ang pagbabahagi ng National Grid Corp.of the Philippines ng donasyong pagkain sa ilang bayan at lungsod ng Nueva Ecija.

Ayon kay San Jose City Mayor Mario Salvador umabot sa 150 sako ng bigas, higit 200 kahon ng de latang sardinas, tuna, at corned beef ang kanilang natanggap mula sa NGCP. Dagdag pa rito ang 138 kahon ng noodles at 41 kahon ng gatas.

Inilaan naman ito ng pamahalaang lungsod sa may 5,000 tricycle operators, driver at mga jeepney driver na natigil sa pamamasada dahil sa ECQ.

Pupunuan na lamang, ani Salvador, ang anumang magiging kakulangan.

Bukod sa San Jose City, nakatanggap din ng ayuda mula sa NGCP ang mga bayan ng Talugtug, Laur, Cabiao, at Talavera.

Ang Technical Education Skills and Development Authority provincial office sa Nueva Ecija suporta sa mga frontliners ang pangunahing binibigyan ng pansin sa pamamahagi ng face masks.

Nakikipag-ugnayan ito sa mga lokal na pamahalaan. Sa ngayon ay nagpamahagi ng 200 face masks ang TESDA para sa ilang checkpoints sa Cabanatuan City, Palayan City, at Bongabon.

Sa Cabanatuan City, sa pamamagitan ng video message ay ipinahayag ni Vice Mayor Julius Cesar Vergara ang pasasalamat kay Palayan City Mayor Asrianne Mae Cuevas sa ipinadala nitong kahun-kahong personal protective equipment.

Ipinagpapasalamat ng pamahalaang lungsod ng Cabanatuan ang inisyatibo ni Cuevas, ani Vergara. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here