Ang napatay na suspek ay kinilala lamang sa alyas na “Cris” mula sa bayan ng Obando.
Nagsagawa ng anti-illegal drugs buy-bust operation ang Malolos PNP at nauwi ito sa engkwentro nang magpaputok umano ng baril ang suspek nang malaman na pulis ang katransaksyon.
Agad na gumanti ng putok ang kapulisan at napatay si Cris at nakuha mula sa kanya ang .38 baril, mga basyo ng bala, mga sachet ng hinihinalang shabu at marked money.
Ang suspek ay kilala umanong notorious drug pusher sa ilang mga bayan sa Bulacan at nasa target list ng kapulisan.