Tapos na ba ang di magandang sitwasyon ni Nora Aunor sa ABS-CBN?
Does this mean, okey na uli si Nora para magtrabaho sa naturang network?
You see, isang senyal yung pagbibigay ng honorary award kay Guy ng Cinema One. It is just like saying, bati na tayo!
Kasunod kaya nito ay offer na sa kanila pumirma ng kontrata si Nora Aunor?
Is this the reason kaya di pa natuloy ang contract signing niya supposedly with TV5? Ito rin ba ang dahilan kung bakit di na muna tinuloy ni Mother Lily ang Hototay?
Pakilinaw lang po!
Meanwhile, Nora’s legions of fans are clamoring for more. Sa ngayon bitin ang Sa Ngalan Ng Ina dahil after this sterling miniseries, wala pang naka-sked para sa kay Guy.
Di na nga matutuloy ang MMFF movier niya kaya walang fare sa Pasko para sa fans. Yung kanyang El Presidente movie with Laguna Governor ER Ejercito, bagamat very well publicized ay sa next year pa mapapanood.
Sana lang, kahit na isang special lang may ‘pagsaluhan’ ang mga fans tungkol kay Nora Aunor.