KAHIT HINDI dumating si Nora Aunor sa launching ng CineFilipino Film Festival last week held at Resorts World, ang dami namang kuwento sa kanya ng kanyang mga co-star at kasamahan sa pelikulang Ang Kuwento Ni Mabuti na pinagbibidahan nga ng ating Superstar.
Ayon sa kuwento ng isang co-star niya na si Mara Lopez, nakasama pa raw niya si Ate Guy na mamili sa ukay-ukay pagkatapos ng shooting.
May eksena raw kasi na namimili sila sa ukay-ukay and after the shoot, talagang namili na raw sila at tuwang-tuwa raw ang Superstar sa murang items na nabili.
Aminado rin si Mara na talagang na-starstruck siya kay Ate Guy at sobrang napakalaking karangalan daw talaga para sa kanya na makatrabaho ito.
Ang Ang Kwento ni Mabuti ay isa sa walong kalahok sa CineFilipino Film Festival na magsisimula bukas, Sept. 18 at magtatapos sa Sept. 24.
Mapapanood ito sa Gateway Cinema, Resorts World, Lucky Chinatown at EDSA Shangrila.