Nora Aunor Cannes-bound na naman

    451
    0
    SHARE
    HUMARAP sa entertainment media sina Sen. Loren Legarda, Cannes best director an si Brillante Mendoza at ang superstar na si Nora Aunor para sa Cannes-bound movie na “Taklub” na pinagbibidahan ni Guy (Nora) mula sa direksiyon ng award-winning director.

    Ang “Taklub” ay hango sa disaster sanhi ng super typhoon “Yolanda” sa Tacloban na kumitil ng maraming buhay at sumira ng mga inprastraktura, mga bahay, buildings at kabuhayan ng mga taga Eastern Visayas particularly Tacloban at mga karatig-lugar sa Leyte at Samar.

    Ang “Taklub” ay kuwento ng mga Yolanda survivor at kung paano sila naka-survive at nagpatuloy ng buhay sa pamamagitan ng panalangin, paniniwala, patuloy na pag-asa at pagpupursige. Ang pelikula ay produced ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pakikipagtulungan with the Presidential Communications Operations Office – Philippine Information Agency (PCOOO-PIA). Ito’y may kinalaman para sa patuloy na pagpapalaganap ng disaster risk reduction (DRR).

    Ang “Taklub” ay isa sa mga official na kalahok sa ilalim ng Un Certain Regard section ng ika 68th Cannes International Film Festival na nakatakdang ganapin sa darating na May 13 – 24, 2015 sa Cannes, France.

    Ang “Taklub” ay second movie ni Nora na napasama sa prestigious film festival. Nauna na rito ang “Bona” in 1980 na dinirek ng yumaong premyadong director na si Lino Brocka.

    It took 35 years bago muling nagkaroon sa Cannes ng isang Nora Aunor-topbilled movie.

    Ang team-up nina Sen. Loren Legarda at Direk Brillante ay nagsimula sa iba’t ibang documentaries na may kinalaman sa kalikasan tulad ng “Buhos,” “Ligtas,” “Philippine Marine Biodiversity” at “Antique: Coral Restoration Program.

    Naniniwala pareho sina Sen. Loren at Direk Brillante na mas maraming tao ang magiging aware kung gagawing full-length na pelikula ang “Taklub” para sa disaster-prevention and preparedness campaign.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here