Home Headlines Non-working holiday: Gordon Day in ‘Gapo, Subic Freeport

Non-working holiday: Gordon Day in ‘Gapo, Subic Freeport

949
0
SHARE

LUNGSOD NG OLONGAPO — Special non-working holiday sa lungsod na ito at sa Subic Bay Freeport Zone sa Lunes, ika-17 ng Enero, 2022 bilang pagunita sa kaarawan ni James Leonard Tagle Gordon.

Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Duterte ang RA 11217 noong 2019 na nagdeklarang special non-working holiday taon-taon ang Enero 17, bilang gunning kaarawan ng dating punonglungsod ng Olongapo.

Si James Tagle Gordon o mas kilala bilang “Jimmy Gordon” ang tinaguriang “Founding Father of Olongapo City” na kauna-unahan nahalal bilang mayor ng lungsod noong ika-30 ng Disyembre 1963 at nanungkulan hanggang ika-20 ng Pebrero taong 1967.

Bukod sa pagiging mahusay na lider ay nanalaytay din ang pagiging dugong bayani ni Gordon dahil ang kanyang ina na si Veronica Tagle ay anak ng Filipino patriot na si Jose Tagle na naging bahagi at kinikilala noong panahon ng Philippine Revolution sa Imus, Cavite at maging sa hanay ng kasaysayan ng Pilipinas.

Kabilang din sa naging mahalagang kontribusyon ni Gordon noong siya ay naglilingkod pa sa Lungsod ng Olongapo bunga ng kanyang katangian at sipag sa pagtatrabaho gaya ng RA 4645 na Charter of the City of Olongapo na dating munisipalidad at dahilan kung bakit naging siyudad ang Olongapo.

Si Gordon ang ama ni Senador Richard J. Gordon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here