Noise barrage laban sa Motorcycle Crime Prevention Act

    397
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS — Nagsipag- ingay sa harapan ng Kapitolyo ng Bulacan ang daan-daang mga motorcycle riders ng Gitnang Luzon para tutulan ang Senate Bill 1397 o Motorcycle Crime Prevention Act of 2017 na akda nina Sen. Richard Gordon, chair of the Senate committee on justice and human rights, at Senate Majority Leader Vicente Sotto III.

    Nilagyan ng mga malalaking plaka ang harapan ng kanilang ng mga motorsiklo na naglalaman ng pagtutol sa nasabing batas at nagpaikot-ikot sa harapan ng Kapitolyo habang bumubusina at nagsisigawan ng pagtutol sa nasabing batas.

    Ang iba sa mga riders ay nagmula pa sa ibat-ibang lugar sa mga lalawigan ng Gitnang Luzon at nag-caravan patungong Bulacan.

    Para sa mga riders, ang Senate Bill 1397 kung saan inaatasan ang Land Transportation Offi ce (LTO) na mag-issue ng mas malaki at refl ectorized license plates sa bawat motorsiklo at scooter sa buong bansa ay dagdag parusa lamang sa kanila.

    Dagdag gastos lamang daw ito gayong hindi pa naman nakaka-comply ang LTO sa pagpapalit ng plaka ng mga sasakyan.

    Bukod doon ay wala daw naganap na konsultasyon sa kanilang mga riders ang pagsusulong ng nasabing batas at ang dagdag na malaking plaka ay delikado sa mga riders dahil wala ito sa disenyo ng mga manufacturers.

    Tutol din sila sa sinabi ni Gordon na batay sa tala ng Philippine National Police (PNP) ay umabot na sa 1,069 ang krimen na konektado sa “motorcycle- riding suspects”.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here