Kumalembang ang mga kampana ng Simbahang San Agustin sa Baliwag pagpitada ng alas-12 ng tanghali. Kuha ni Rommel Ramos
BALIWAG, Bulacan — Kalembang ng kampana ng simbahan, sirena ng ambulansya at firetrucks, busina ng mga sasakyan – ito ang ginawang pagpupugay ng pamahalaang lokal na tinaguriang “Frontliners’ Day” ngayong Mayo 1, ang Araw ng Paggawa.
Sinabi ni Mayor Ferdie Estrella na ito ang paraan nila para kilalanin ang sakripisyo ng mga frontliners sa ginagawa ng mga ito sa pagharap sa pandemiya ng Covid-19.
Inatasan niya na ang lahat ng ambulansya, firetrucks, at mga sasakyan ng munisipyo ay paganahin pagtuntong ng alas-dose ng tanghali.
Maging ang mga simbahan sa kanilang bayan ay sabay-sabay din na pinakampana kasama ng mga pribadong motorista na sabay-sabay na bumusina.
Ayon kay Estrella, hinikayat din niya ang mga taga-Baliwag na magpost sa kani-kanilamg facebook accounts para papurihan ang mga frontliners.
Sa ngayon ay siyam na positibong kaso ng coronavirus ang naitala sa Baliwag.
Tatlo na dito ang gumaling kasama si Estrella, dalawa ang kasalukuyang naka-confine sa mga pagamumutan sa Maynila habang ang apat ay nasa recovery stage na sa ibat-ibang ospital.