WALANG makuhang impormasyon sina Toni Gonzaga at Bianca Gonzales kung may celebrities bang papasok sa bagong edisyon ng Pinoy Big Brother na sasambulat muli sa ABS-CBN sa Sunday.
“Ang dami ngang hindi sinasabi sa amin. Sobrang dami. Pati ’yung kay Alex (Gonzaga), last day ko lang nalaman,” sey ni Toni nang makausap ng press after ng launch. Isa kasi si Alex sa hosts ng reality show.
“Sa pictorial lang niya (Toni) nalaman. Sabi ko, ‘Si Alex, nandiyan,’” sabad naman ni Bianca. “Sabi ko nga, para saan? Huh? Wala talagang…Wala talagang sinasabi,” sey pa ni Toni. Baka naman ayaw lang niyang makasama si Alex sa show?
“Hindi naman! Hindi talaga sinasabi sa amin. Ayaw talaga nilang sabihin sa amin ang mga twist. Feeling ko, sa Sunday, may twist pang mangyayari. May bago pa kaming malalaman lahat,” katwiran pa ni Toni.
Tiyak na magiging memorable kay Bianca ang PBB dahil magpapakasal na siya. “Oo nga, eh. Nagwu-worry na nga
ako kung paano o kung baka next season kasama pa ako. Kasi every year, ina-assume namin na kami pa naman.
Buti naman ngayon,” sagot ni Bianca. Baka naman para kay Toni ang surprise na proposal sa loob ng Bahay ni Kuya. “Hindi natin alam. Kailangang maglipstick siya,” sagot ni Bianca.
“Ginawang housemate. Ginawang housemate si Paul. Huwag naman sa bahay. Sa dressing room, sa dressing room, hahaha! "Wala, wala pa talaga. Hindi ko talaga siya nira-rush! Sabi ko, nasa kalendaryo pa ako. Kung wala na ako sa kalendary, parang kakabahan na ako doon.
“Ngayon kasi, I’m just really happy with the opportunities. I’m happy for Bianca. I want to give this to her. This is her year. This is her moment, so, just give it to her. “It’s God’s will. Kung anuman ang God’s will, God’s time ay perfect.
Na-realize ko ’yan all these years sa industriya. So, I don’t wanna rush things.It’s never late." paliwanag pa ni Toni.
Sa panig naman ni Bianca na sa December ang kasal sa basketbolistang si JC Intal, ikinataba ng puso niya ang gesture ng fiance na bago mag-propose sa kanya, kinausap muna ang parents niya na nasa ibang bansa.