“No to Mining,” nagkakaisang paninindigan ng Subic

    366
    0
    SHARE
    SUBIC, Zambales –”No to Mining,” ito ang nagkakaisang paninindigan ng mga lokal na opisyal sa bayang ito at mga residente ng Sitio Nagyantok, Barangay Cawag.

    Plano ng provincial government ng Zambales na minahin ang likas na yaman ng jade sa may limang hektaryang kabundukan sa Sitio Nagyantok nang walang isinagawang public consultation sa mga residente na nakatira malapit sa nasabing lugar.

    Kasama ang buopng sangguniang bayan, iginiit ni Subic Mayor Jeff erson “Jay” Khonghun ang kanilang paninindigan kontra sa pagmimina.

    Ayon pa sa kanya tinangka siyang suhulan at ang buong konseho sa di binanggit na halaga at pinalalabas umano ng ng proponent na ito ay hindi suhol bagkus ito ay isang “love offering” para sa mga opisyal ng Subic, subalit tinalikuran nila ang tangkang panunuhol.

    Nasa balag naman ng alanganin ang posisyon ni chairman Arthuro Garcia ng Barangay Cawag dahil nabigyan umano kaagad ng permit ang Philippine Yuanding International Trade Corp. (PYITC) kaugnay ng operasyon kahit walang public consultation.

    Itinakda nitong nakalipas na June 18 ang public consultation sa Sitio Nagyantok hinggil sa nasabing planong pagmimina, subalit isa man sa mga representative ng PYITC at opisyal ng Zambales provincial government ay hindi dumalo.

    Sa nakalap na impormasyon ng Punto!, Abril 25, 2017 nang makakuha ng special extraction permit (SEP) ang PYITC mula sa provincial Capitol at permit ng environment and natural resources sa pag-aakalang quarrying operation ito.

    Nauna nang nagpahayag ng intensyon sa pagmimina ng jade nitong nakalipas na taon sa Subic ang dating secretary ng sangguniang panlalawigan matapos itong makakuha ng Chinese investor na siyang tatayong fi nancier nito.

    Puspusan naman ang ginagawang pagbabantay ng mga nagkakaisang residente ng Sitio Nagyantok at nagbabala sila na kapag ipinilit ng PIYTC at ng provincial government ang pagmimina mauuwi ito sa dahas.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here