BOCAUE, Bulacan—“No smoking and no testing” sa tindahan ng mga paputok.
Ito ang kambal na babalang hatid ng Bureau of Fire Protection (BFP), kasama ang pamahalaang bayan ng Bocaue, pulisya at samahan ng mga dealer ng paputok sa bayang ito sa kampanyang kanilang inilunsad kahapon.
Ang babala ay naglalayon na maiwasan ang posibilidad ng mga pagsabog ng mga tindahan ng paputok sa bayang ito katulad ng mga naitala sa mga nagdaang taon.
Dahil dito, pinangunahan ng BFP, PNP at ng Bocaue Fireworks Dealers Association (BOFIDA) ang isang motorcade sa bayang ito kahapon ng umaga upang pukawin ang atensyon ng mga nagtitinda at mga mamimili ng paputok na karaniwang dumadagsa habang papalapit ang Kapaskuhan at pagdiriwang ng Bagong Taon.
Namigay din ang mga lumahok sa motorcade ng mga flyers at leaflets bukod sa nagpaskil ng mga tarpaulins na naglalaman ng babala at paalala sa mga ipinagbabawal batay sa Fire Code of the Philippines at municipal ordinance ng Bocaue.
Ayon kay Fire Supt. Ma. Luisa Hadjula, regional director ng BFP sa Central Luzon, taunan nila itong ginagawa upang makapagbigay paalala sa publiko.
Sinabi niya na epektibo ang kanilang kampanya dahil nababawasan ang mga sakuna partikular sa bayan ng Bocaue na bumaba ang firecracker related incidents sa mga nagdaang taon.
Ayon naman kay Supt. Ronald De Jesus, hepe ng Bocaue PNP, mahigpit nilang ipatutupad ang “No Smoking at No testing” sa 300 meters radius sa mga tindahan ng paputok sa kanilang bayan.
Mahigpit din aniyang ipinagbabawal dito ang paggawa o pag-assemble ng ano mang klase ng paputok sa loob at labas ng alin mang tindahan ng mga paputok.
Sang-ayon ang mga nagtitinda ng paputok sa bayan ng Bocaue sa naturang kampanya.
Ayon sa BOFIDA, karaniwang pagsisigarilyo at firecrackers testing ang pinagmumulan ng mga insidente ng sunog o pagsabog sa mga tindahan ng paputok sa kanilang lugar.
May mga mamimili rin anila ng mga paputok na mga lasing at makukulit na at hindi rin nila mapigilan kayat mahalagang naroon din ang presensya ng kapulisan sa oras ng may mga namimili ng mga paputok.
Malaking tulong din anila ang mga babalang ipinapaskil malalapit sa tindahan ng mga paputok.