SAN FELIPE, Zambales— Mahigpit na ipapatupad sa Abril 25 ang “No Sail Zone” sa karagatan ng Zambales dahil sa gagawing Balikatan Exercises.
Batay sa naunang pinalabas na babala ng Philippine Coast Guard noong March 9, na nilagdaan ni Capt. Jomark U Angue, deputy chief of Coast Guard Staff for Maritime Safety Services , mahigpit na ipinagbabawal ang paglalayag sa karagatan ng Zambales dahil sa gaganapin PH-US Balikatan Exercises sa Abril 25, 26 at 27 sa karagatagn sakop ng Naval Education Training Doctrine Command, Barangay San Miguel, San Antonio kung saan gaganapin ang live firing exercise.
Sa vayan ng San Felipe na malapit sa lugar ay nagpalabas din ng kautusan si Mayor Reinhard Jeresano noong Abril 19 sa lahat ng fisherfolks at beach resort establishment owners alinsunod sa naunang ipinalabas na kautusan na “No Sail Zone.”
Mahigpit din na ipinagbabawal sa nagpupunta sa beach na huwag pumunta sa baybayin habang isinagawa ang live firing exercise.