Home Headlines ‘No’ sa HUC ng San Jose del Monte, Bulacan

‘No’ sa HUC ng San Jose del Monte, Bulacan

683
0
SHARE
Ang ginawang canvassing para sa SJDM HUC plebiscite. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MALOLOS — Natapos na ang pagbibilang ng provincial board of canvassers para sa plebesito para i-ratify ang highly urbanized city status ng City of San Jose Del Monte, Bulacan.

“No” votes ang nanalo kontra HUC sa nasabing plebesito na nakakuha ng kabuuang 820,385 na bilang. Habang 620,707 na bilang naman ang nakuha ng “Yes” o pabor sa HUC.

Ang Yes and No ay may kabuuang bilang na 1,608,004 na bumoto sa nasabing plebesito.

Ayon sa Commission on Elections, naging mabagal ang dating ng mga election returns dahil sa manual lamang ang voting sa nasabing plebesito na isinabay sa barangay at SK elections.

Samantala, bumisita si Comelec chairman George Garcia para i-monitor ang nasabing canvassing.

Matatandaan na ang Lungsod ng San Jose del Monte ay naiproklama bilang highly urbanized city noong ika-4 ng Disyembre 2020, sa bisa ng Proclamation No. 1057 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang nasabing proklamasyon ay bigong maratipikahan matapos na matalo ang Yes votes sa ginanap na plebesito na kasabay ng BSKE.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here