Kakaibang challenge para kay Vina ang role niya sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Nasaan Ka NangKailangan Kita. Ayon sa kanya, “Kasi itong soap opera na ito, ayaw nina Direk (Jeffrey Jeturian) na masyadong drama na nga, idadrama mo pa..
So para sa akin natsa-challenge ako sa ganyang set-up kasi nasanay ako sa mga heavy drama. “Dito simple lang, kung ano lang yung nangyayari sa totoong buhay, normal lang. They want na realistic talaga yung pag-arte. Kung hindi mo kayang umiyak masyado, eh, di okey lang.
“Saka depende yon sa emosyon mo on that day at a eksena. So do’n ako natsa-challenge. Kasi medyo sanay ako sa dramahan. Kailangan heavy drama lalo na sa pang gabi (primetime soap).
Excited ako, looking forward ako. Ako naman, open naman ako na matuto sa ibang klaseng pag-arte din,” dire-diretso niyang pahayag. Samantala, masaya naman si Vina Morales na tawagin siyang “hot mama” ng showbiz. Pero hindi raw niya kakayaning mag-pose para sa isang men’s magazine tulad ng FHM.
“Susmaryosep, parang hindi ko yata kaya yon. Masaya na akong tawagin nilang “hot mama” pero magpose sa ganun, wala pa akong lakas ng loob… Hindi ko talaga kaya, ewan ko ba. “Parang hindi ko talaga kaya… I don’t know, ano pa bang ibang magazine?
Basta ako, happy na ako na sabihing ganu’n… ‘uy hot mama’ pero para mag-pose, talagang hindi ko pa keri. “Kasi to pose for FHM, alam kong… Kumbaga, a little sexier ‘yon, iba sa ginagawa ko pag nagpi- perform ako sa stage or sa ASAP….
‘Yon yung nasa isip lahat ng tao, eh… Bear more skin, yung ganun.” “Confident naman ako sa sarili ko, sa katawan ko. One month ko lang yung paghahandaan para balik-abs kaagad, pero di ko talaga kino-consider, eh. Hindi ko talaga kaya…,” naiiling na pagtatapos n Vina Morales.