Home Headlines ‘No Collection Policy’ ipinatutupad sa mga pampublikong paaralan 

‘No Collection Policy’ ipinatutupad sa mga pampublikong paaralan 

1788
0
SHARE

(Pinapaalalahanan ni Department of Education Bataan OIC-Assistant Schools Division Superintendent Roland Fronda (kaliwa) na mahigpit nilang pinapatupad ang No Collection Policy sa mga pampublikong paaralan. – PIA 3)

LUNGSOD NG BALANGA — Muling pinaalalahanan ng Department of Education o DepEd Bataan ang mga pampublikong paaralan sa lalawigan patungkol sa No Collection Policy ng ahensya.

Ayon kay DepEd Bataan OIC-Assistant Schools Division Superintendent Roland Fronda, mahigpit nilang pinapatupad ang naturang polisiya sa buong bansa.

Giit niya, may mga kaso siyang natatanggap kung saan may kasunduan ang Parents-Teachers Associations o PTAs at ang mga guro na mangolekta ng kontribusyon sa mga mag-aaral.

Hindi daw palalagpasin ng kanilang Regional Director ang ganitong kasunduan na inoobligang magbayad ang mga estudyante.

Hindi rin kailangan magbayad ng kahit anuman halaga ang estudyante para makapag-enroll o makalipat sa pampublikong paaralan.

Pinapayuhan ang publiko na ipagbigay-alam kaagad sa DepEd ang mga guro or principals na mapatutunayang lumabag sa kanilang polisiya

Ang opisna ng DepEd-Bataan Division Office ay matatagpuan sa Provincial Capitol Compound, Balanga City. Maaring magpadala ng email sa bataan.deped@deped.gov.ph o magmensahe gamit ang Facebook sa www.facebook.com/DepEdBataan. – PIA 3

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here