Home Headlines NLEX Balagtas toll plaza heavy traffic sa nagpapakabit ng RFID

NLEX Balagtas toll plaza heavy traffic sa nagpapakabit ng RFID

739
0
SHARE

Ang mabigat na daloy ng trapiko sa south bound ng Balagtas toll plaza. Kuha ni Rommel Ramos



BALAGTAS, Bulacan — Masikip na daloy ng trapiko ang narasanan ngayong araw sa south bound ng NLEX Balagtas toll plaza dahil dagsa an
g mga motoristang nagpapakabit ng RFID stickers.

Umabot ang pila ng mga sasakyan ng hanggang limang kilometro hanggang nitong hapon ng Martes.

Ayon sa Bulacan police, madaling araw pa lamang nang magdagsaan ang mga motorista na magpapakabit ng stickers.

Habang ang iba namang mga motorista na may RFID nga ngunit wala namang load ay lumilipat ng linya para makapagpa-load dahilan para lalong mabalam ang daloy ng trapiko sa lugar.

At dahil sa may katagalan bago makaalis ang mga sasakyan sa nasabing toll plaza ay umabot na hanggang Balagtaa-Guiguinto intersection ang pila ng mga sasakyan at naapektuhan na din ang daloy sa local road.

Ayon sa motoristang si Christopher Magat, paluwas sila at galing sila ng Plaridel nang maipit sa bigat ng trapiko.

Sana aniya ay may sariling linya ang mga nagpapakabit ng RFID para hindi nakakaabala sa ibang motorista.

Ang truck driver na si Abet Samson naman ay isang oras daw na naiipit at pabalik na sana ng pier.

Ang motorista din na si Marvin Bernardo ay nakakadalawang balik na daw sa lugar para magpakabit ng RFID dahil sa sobrang haba ng trapik.

Sana aniya ay maglagay pa ng dagdag na linya para sa mga magpapakabit ng RFID para maiwasan ang paghaba ng pila.

Sa katunayan aniya ay hindi pa sila kumakain at kailangan na nilang magpakabit ng sticker dahil hindi sila makakapasok sa NLEX.

Hinihiling rin niya sa NLEX ng extension period bago ang full implementation dahil marami pa ang hindi nakapagpapalagay ng RFID stickers.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here