Nikki Gil finally lets go of Billy Crawford

    360
    0
    SHARE

    FOR THE first time, nagsalita na si Nikki Gil tungkol sa controversial splitup nila ni Billy Crawford nang interbyuhin siya ni Boy Abunda sa Ikaw Na segment ng Bandila.

    Mukhang naka-recover na si Nikki dahil masaya naman siya during the interview at ang ganda rin niya, in fairness. Binigyan ni Nikki ng ibang mukha ang breakup nila sa pamamagitan ng pagsasabi ng sariling bersyon.

    “If I were to give a reason for it, because I don’t think it was never made clear, the difference is in values. It’s one of the things na napakaimportante, na pareho kayo ng pinaniniwalaan, ng values. It has to be the same.

    Otherwise, it won’t work,” pahayag ni Nikki. Kung si Billy kasi ay ang pagiging confused niya ang inirarason sa breakup, si Nikki naman ay difference in values naman.

    Nang tanungin kung ano ang naging mali sa kanilang relasyon, ani Nikki, hindi rin niya alam.

    “I wish I knew. I think, more importantly, what’s happening now is more important. There’s no use looking back. I just want to be excited for the things to come,” she said.

    Medyo hindi rin malinaw ang sagot ng singer/actress nang matanong kung may third party bang involved.

    “At this point, I don’t think it’s any of my business anymore.” Pero ang maganda naman, ani Nikki, marami siyang natutunan sa nangyari.

    “In every relationship, kapag bumangon ka mula sa pagkakadapa, of course, you’re in pain for a while but in hindsight, you’ll realize the things that you’ve learned about yourself, about being a partner, which will only equip you for your future partner,” say pa niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here