Newspaper vendor pinatay sa Gapo

    3964
    0
    SHARE
    OLONGAPO CITY – Patay ang isang newspaper vendor matapos itong paluin sa ulo at pagkatapos ay pagsasaksakin sa katawan ng hindi pa kilalang salarin habang ito ay natutulog sa kanyang stall sa talipapa sa Rizal St., Barangay barretto sa lungsod na ito noong Meyerkules ng madaling araw.

    Kinilala ng pulisya ang biktimang si Arturo Santos, Sr., 72-anyos newspaper vendor at kasalukuyang nanunuluyan sa nasabing lugar.

    Ayon sa ulat, alas-5 ng madaling araw ng katukin ng anak nitong si Christopher ang stall kung saan natutulog ang kanyang tatay para pagdalhan ng dyario na ibebenta, subalit hindi ito sumagot kung kaya napilitan nitong buksan ang pintuan at bumantad sa kanyang paningin ang ama na nakatarak sa kanyang dibdib ang kutsilyo.

    Sa isinagawang pagsisiyasat ng Olongapo PNP at Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa kusina ng stall dumaan ang salarin habang nasa kasarapan ng tulog ang biktima kung saan doon din umano kinuha ang patalim sa gimnamit sa pagpatay.

    Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya ang biktima ay nagtamo ng 9 na tama ng saksak sa katawan na agad nitong ikinamatay.

    Nabatid sa ulat na ang stall ng biktima ay kadikit lamang ng pintuan ng Olongapo City District Jail.

    Patuloy pang nagsasagawa ng malawakang imbestigasyon ang Olongapo City PNP sa pagkakakilanlan sa suspek at tinitingnan dito ang angulong pagnanakaw ang motibo sa nasabing pagpatay.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here