‘NEVER na naging playgirl si Lovi Poe’

    382
    0
    SHARE
    Mariin ang pahayag ng very reliable source na malapit kay Lovi at nagmamalasakit sa young actress na umaani ng mga batikos sa detractors niya

    Sa obserbasyon din namin sa career at lovelife ni Lovi, never namin siyang nakitang na-involve nang seryoso kungdi kay Jolo Revilla lang. Tumagal ng dalawang taon ang kanilang relasyon bago ito naputol dahil na rin sa seryosong pag-uusap nila ni Jolo para sa paglago ng kani-kanilang career.Ayon pa sa aming source, hindi si Lovi ang tunay na dahilan kung bakit biglang naghiwalay sila ni Jolo

    Mismo si Lovi ang nagpahayag sa amin nang huli namin siyang nakausap sa set ng Show Me Da Manny na ang mga taong nakapaligid kay Jolo ang dahilan pero hindi daw kasama ang pamilya ni Jolo.

    Kung napapabalitang nakikipag-group date si Lovi sa congressman na anak ni Gov. Chavit Singson na si Ronald Singson, three months na raw silang hiwalay ni Jolo.

    At saka never na pormal na nanligaw si Cong. Ronald kay Lovi at never din itong pumunta sa bahay nila sa Quezon City.Barkada lang daw ang samahan nila. Kaya paano sasabihing playgirl si Lovi kung si Jolo lang talaga ang nakarelasyon ng dalaga na tumagal pa ng dalawang taon?

    Kung nagpapaseksi man ngayon si Lovi ay hindi dahil desperada na siya. Hinihingi lamang daw ito ng character niya sa movie na idinirek ni Joel Lamangan na Sagrada Pamilya, na itinuturing na big break ni Lovi.

    Bukod sa pag-aartista, hindi nawawalan ng ginagawa si Lovi dahil patuloy siyang nag-aaral ng Management course sa isang college sa Makati at kasalukuyang tinatapos ang kanyang third album. Never na na-ging idle ang career ng dalagang anak ni Da King Fernando Poe Jr.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here