Home Headlines NEPPO nakaalerto

NEPPO nakaalerto

363
0
SHARE
CABANATUAN CITY – Nananatiling nakaalerto ang puwersa ng Nueva Evija Police Provincial Office (NEPPO) upang mabilis na makaresponde sa anumang pangangailangan sa gitna ng patuloy na pabugso-bugsong pag-ulan.
Kinumpirma ni Col. Ferdinand Germino, bagong officer-in-charge ng NEPPO, na ang lahat ng lokal na himpilan ng pulisya sa 27 bayan at limang lungsod sa lalawigan ay “in full preparedness” upang tumulong sa komunidad.
Ilan sa mga equipment at police personnel na nakahanda sa oras ng pangangailangan.-# (contributed photo)
Maging ang mga Reactionary Standby Support Force (RSSF) ng mga Provincial Mobile Field Companies (PMFC) ng NEPPO ay nakaposisyon umano.simula.pa nang pumasok ang bagyong Enteng.
“Rescue equipment have been accounted for and are ready for immediate deployment if warranted,” pahayag ng NEPPO.
Ayon pa sa NEPPO, mahigpit ang kanilang ugnayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) upang matiyak ang mabilis at magkasanib na pagtugon sa anumang  “emergencies that may arise.”
Umapela si Germino sa komunidad na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa awtoridad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here