Negrita Maldita ang dapat ibansag kay Barbie Forteza

    416
    0
    SHARE
    Ubod pala ang kamalditahan ang bida ng bagong telserye sa GMA 7. Hindi namin babanggitin ang titulo pero may negritang salita rito at talagang dapat tawaging negrita maldita itong si Barbie.

    Would you believe, magkasapakat pala sila ni Joshua Dioniso sa pagpapatalsik sa mga artsitang hindi nila gusting makasali sa kanilang tambalan. Noong araw, naging biktima raw nila si Jhake Vargas who was mysteriously taken out of a teleserye. Ayon sa ilang sources, hindi ka–bonding nina negrita at Joshua ang alaga ni Kuya Germs kaya nakagawa sila ng paraan para mawala ito sa kanilang landas.

    Jhake who is wholesome in both reel and real life took the non-event gracefully at ipinaubaya na lang sa kanyang manager who is graciously taking the cudgels for him. Ayan naman, maganda naman ang career ni Jhake kahit hindi na siya kasali sa dalawang monstrous bagets na dating kasama nila.

    Heto na nga, nagrereklamo ang ilang tao sa kampo ng isang baguhang young actor dahil nga nagging biktima sila ng mahaderang negrita at ni Joshua. It is said, together, they conspired ( and maybe with the help of some-powers-that-be ) para mawala rin sa landas nila si Kristoffer Martin who is now on the verge of making a name for himself kahit bago pa lang siya.

    Nagkuwento sa amin ang isang source tungkol sa pangyayari. “Sinabihan at tiniyak si Kristoffer na ka-triangle niya sina Barbie at Joshua sa Nita Negrita. Pinaghanda na siya at sinabihang magpi-pictorial at magkakaroon ng storycon. Natural, very excited ang bata and was looking forward to the role, only to be told sa last minute na hindi na siya kasali. Alibi daw sa kanila, bibigyan siya ng mas maganda at mas mahabang role sa susunod na teleserye.

    “Pero hindi naniwala ang ilang tao sa kampo ni Kristoffer. Alam nilang somewhere may milagrong nangyari and this could involve the kamalditahan of Barbie and Joshua. They know, may mga taong sumabotahe kay Kristoffer kaya nagtanong-tanogn sila. Finally cornered, an inside source couldn’t deny at sinabi ang totoo. Indeed, sina Barbie at Joshua ang may kagagawan kung bakit tumalsik sa teleserye si Kristoffer,” kuwento pa ng kausap namin.

    Yes, nagbanta raw kasi sina Barbie at Joshua that they are going to withdraw from the teleserye at hindi na pupunta sa storycon at pictorial. Kaya nga raw talagang tuluyan nang pinatalsik si Kristoffer.

    Meanwhile, GMA 7 people stick to their alibi that they are indeed planning for a more juicy role for Kristoffer. Sana naman totohanin ito at nang mabura nga yung isyung pinatalsik siya dahil sa kapritso ng dalawa nilang bida.

    Kristoffer is not bitter although nalulungkot siya sa mga nangyari. Ayon sa kanya, wala naman daw siyang sinisisi, siguro raw kapalaran niya ito. Ang alam daw niya, maraming darating sa kanya sa tulong ng mga dasal at ibayo pang kapalaran at siyempre ng mga taong sumusuporta at naniniwala sa kanyang kakayahan. Kami naman, we pray very hard na sana walang masamang karmang dumating sa dalawang monstrous bagets sa istoryang ito.

    Amen!


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here