LUNGSOD NG MALOLOS – Kalaboso ang binagsakan ng negosyanteng “trigger happy” sa bayan ng Baliuag matapos salakayin ng pulisya ang kanyang bahay noong Sabado ng gabi.
Ang suspek ay kinilala ni Senior Supt. Edgardo Tinio, ang acting provincial police director ng Bulacan na si Jose Halim, isang negosyante at residente sa barangay San Jose sa nabanggit na bayan.
Si Halim ay inaresto sa bisa ng isang search warrant na pinalabas ng isang hukom sa Regional Trial Court sa lungsod na ito.
Ayon kay Tinio, pinagkalooban sila ng search warrant ng hukom dahil sa reklamo ng mga kapitbahay ng suspek na nagsabing sila ay tinutukan ng baril, bukod pa sa walang habas na pagpapaputok ng baril nito.
Matapos salakyin ang bahay ng suspek, nakakumpiska ang mga pulis ng isang kalibre .380 pistola, 14 na bala para sa kalibre .380; 69 na bala para sa kalibre .45 pistola; 30 bala para sa kalibre .556 rifle; at mga bala para mga kalibre .22 at .25.
Ang suspek ay dinala sa tanggapan ng Provincial Intelligence and Investigation Branch (PIIIB) sa Kampo Alejo Santos sa lungsod na ito, ngunit inilipat din agad sa Regional Police Office sa Kampo Olivas sa lungsod ng San Fernando, Pampanga para sa karagdagang imbestigasyon.