OLONGAPO CITY – Winakasan ng isang negosyante ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa kanilang tahanan sa Barangay West Bajac-Bajac sa lungsod na ito noong Sabado ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Antonio Escoto, 50, may-ari ng Shenchi Drug Store at residente ng No. 15, 22nd St., Barangay West Bajac-Bajac.
Ang biktima ay nakitang naliligo sa sariling dugo sa terrace ng kanilang bahay na may tama ng bala sa bunganga mula sa kalibre .38 baril.
Sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang pagpapakamatay ng biktima batay sa pahayag ng kanyang bayaw na si Eduardo Beltran, laging lasing ang biktima, malungkot at groggy.
Ayon pa sa ulat mula nang mamatay ang anak ng biktima, lagi na itong malungkutin at sinasabi ang katagang “gusto ko ng mamatay”.