Home Headlines Negatibo sa Covid-19, lolo nagdiwang ng 100th b-day sa ospital

Negatibo sa Covid-19, lolo nagdiwang ng 100th b-day sa ospital

915
0
SHARE

Larawang kuha sa Zambales for the People FB page



IBA, Zambales — Isang lolo na kabilang sa naitalang suspect case ng Covid-19 sa lalawigan ang nagdiwang ng kanyang ika-100 taong kaarawan nitong Araw ng Kalayaan sa ospital.

Ang lolo ay mula sa bayan ng San Narciso, Zambales.

Batay sa lumabas na resulta ng swab test siya ay negatibo na sa Covid-19 at nasa mabuti namang kalagayan.

Kasabay ng Araw ng Kalayaan ang lolo ay binati ng mga duktor at nars ng ospital, dinalhan ng cake, at kinantahan ng happy birthday.

Laking pasasalamat naman ng lolo na sa kanyang edad na 100 taon ay hindi niya sukat akalain na mga healthcare frontliners ng ospital ang babati sa kanyang kaarawan.

Ang lolo ay nasa pangangalaga ng President Ramon Magsaysay Memorial Hospital.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here