TALAVERA, Nueva Ecija — Sama-samang nanumpa sa katungkulan ang mga halal na opisyal sa Nueva Ecija nitong Martes, June 28.
Ito ay pinangunahan nina Gov. Aurelio Umali at Vice Gov. Anthony Umali kasama ang karamihan sa mga nagwaging alkalde, bise alkalde, bokal at kongresista sa iba’t ibang munisipyo, siyudad at distrito sa lalawigan.
Sa mensahe ng punong lalawigan ay kanyang pinasalamatan at binigyang pagkilala ang mga nakasama sa nagdaang taon na pamumuno sa probinsiya gayundin ang mga magiging katuwang sa susunod na tatlong taon sa muling panunungkulan bilang gobernador ng Nueva Ecija.
Sa kabila aniya ng pagkakaiba sa politika ay iisa ang hangarin at naisin ng lahat ng mga nahalal na opisyal sa lalawigan na mapabuti ang kapakanan ng lahat ng mga Novo Ecijano.
Sa nakaraang tatlong taon ay maraming suliranin ang kinaharap ng lalawigan kabilang na ang naranasang pandemiya na kung saan nakita at nadama sa bawat siyudad at bayan ang gobyernong nakikinig at umuunawa, may mga pagkakaiba man sa pamumuno ay iisa ang hangarin na makapagligtas at maingatan ang bawat buhay ng nasasakupang mamamayan.
Dagdag pa ni Umali, bilang isang probinsiya at isang pamilya ay kaniyang pinaniniwalaan na sa sama-samang pagmamahal at eksperyensiya ay mananatiling buong lakas na gagampanan ng mga halal na opisyal ang tungkulin anumang pagsubok ang kaharapin.
Kaniyang ipinaaabot ang pagbati ng tagumpay sa lahat ng mga halal na opisyal sa bawat lokalidad gayundin ang panawagan partikular sa mga bise alkalde