Home Headlines NE mayor muling na-Covid

NE mayor muling na-Covid

536
0
SHARE
Mayor Trina Andres. Socmed photo.

RIZAL, Nueva Ecija – Sa kabila ng mahigpit na pagsunod sa health protocols,
nagpositibo sa coronavirus disease ang alkalde ng bayang ito, batay sa kanyang
anunsoyo nitong Lunes.

Mismong si Mayor Trina Andres ang nagbahagi ng kanyang kondisyon sa kanyang
social media post, kasama ang larawan ng test kit.

"Ikinalulungkot ko pong ibalita na ako ay nagpositive sa Covid-19 sa ikalawang
pagkakataon," sabi ni Andres. Ayon sa alkalde, marami siyang nakakasalamuha at
nakakausap nitong mga nakaraang araw bilang isang lingkod bayan.

"Ginawa ko po ang abot ng aking makakaya upang sundin ang health protocols
ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ako ay nagpositibo pa rin," pahayag niya
kasunod ng panawagan sa lahat ng kanyang nakasalamuha na obserbahan ang
kanilang pakiramdam.

Gayunman, nag-negatibo naman, aniya, ang kanyang mga naging close contact.
Nakararanas ng mild symptoms ang punongbayan na ngayon ay naka-isolate sa
kanilang bahay. Inaasahan ang kanyang paggaling sa pagtatapos ng quarantine
period alinsunod sa guidelines para sa mga fully vaccinated individual.

"Asahan po ninyong kahit ako ay hindi muna magiging physically present, sisikapin
ko pong ipagpatuloy ang ating mga trabaho at sa tulong na rin ng masisipag po
nating kasamahan sa LGU at sangguniang bayan," sabi niya.

Hiniling ni Andres sa kanyang mga kababayan na mag-ingat at manatiling ligtas:
“Stay safe, Rizaleño! Mahal ko po kayo. Magpapagaling lang po muna. 
Pasama po sa inyong panalangin," sabi ba niya sa post gamit ang hashtag na
covidjourneyPart2.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here