Nazareno ipinrusisyon sa ilog

    415
    0
    SHARE
    HAGONOY, Bulacan — Ipinuprusisyon sa ilog at isinasayaw ang Poong Nazareno bilang pagdiriwang ng kanyang kapistahan sa Barangay Parong Parong taon-taon.

    Matapos ang Misa ay pinuprusisyon ang poon sa kalsada at pagkatapos ay isinasakay sa bangka ang imahen ng Nazareno at pinprusisyon naman ito sa ilog o sa tinatawag na pagoda.

    Nagbabasaan din ng tubig mula sa ilog ang mga deboto na tila bendisyon kapag kapistahan ni San Juan Bautista.

    Matapos ilibot at iahon sa ilog ay isinasayaw naman ang Nazareno sa harapan ng simbahan bago ibalik sa altar.

    Pagdating naman sa altar, doon na magpupunas ang mga deboto ng mga panyo at hahalik sa poon.

    Ayon sa mga deboto, nakagisnan na nila ang ganoong istilo ng selebrasyon nito sa tuwing sasapit ang kapistahan ng Nazareno.

    Nagpapasalamat daw sila taon-taon sa poong Nazareno dahil sa pagtupad nito sa kanilang mga kahilingan.

    Naging mahigpit din ang pagpapatupad ng seguridad sa naturang lugar at nagpakalat ng kapulisan habang isinasagawa ang pagdiriwang.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here