Tunay na kaligayahan ang nararamdaman ni Jennylyn Mercado kung bakit maaliwalas ang mukha ay dahil tinapos na niya ang kasong isinampa laban sa kanyang personal assistant.
“Yes, tinern down ko na ’yung kaso, kasi po, wala na rin namang patutunguhan. Ang tagal na rin naman ng kaso.
Para sa akin mas maganda ’yung may peace of mind na rin. Na wala na kaming kaaway, kaso okey na rin naman kami ni Mel. Kumbaga, na-settle na ’yung iba, so ang mga problema na lang ngayon, eh, yung iba pa,” tugon niya.
Eh, ano naman ang natutunan niya sa nangyari?
“Siyempre, huwag magtitiwala kahit gaano kalapit sa ’yo ’yung tao. Matuto kang maging responsible sa lahat ng gamit mo. Pera mo kasi, pinaghihirapan mo ’yon eh!” saad ng singer-actress-host.
Kelan naman uli siya magpapaseksi?
“Wala pa pong offer! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Jennylyn.