Home Headlines National Anti-Corruption Coordinating Council itinatag ng Pangulong Duterte

National Anti-Corruption Coordinating Council itinatag ng Pangulong Duterte

1770
0
SHARE

(Screengrab) Sinabi ni PACC Chief Greco Belgica na ang pagtatatag ng NACCC ay hindi lang upang mag-imbestiga kundi pigilan na ng maaga ang korapsyon sa kani-kanilang mga ahensya.


 

LUNGSOD NG MAYNILA — itinatag na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang National Anti-Corruption Coordinating Council (NACCC) na pipigil sa korapsyon sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Ang 49 na mga ahensya mula sa tanggapan ng Punong Ehekutibo ay sabayang lumagda at nanumpa ngayong araw para selyuhan ang ipinangako ng Pangulong Duterte na wakasan ang katiwalian hanggang sa huling araw ng termino nito.

Ayon kay PACC Chairperson Greco Belgica, ito ay pagsasanib pwersa ng lahat ng tanggapan ng gobyerno hindi lamang para imbestigahan ang mga reklamo ng korapsyon kundi para mapigilan na ang mismong ugat ng katiwalian.

Sapagkat sa pagkakatatag aniya ng NACCC ay magkakaroon ng mas maagap na pagbabantay at pagkakalap ng mga impormasyon sa loob ng kani-kanilang mga ahensya.

At ang pinakamahalaga aniya sa whole-of-nation approach na ito ay ang pagiging God-centered anti-corruption advocacy sapagkat kailangang mawala sa puso ng mga tao ang paggawa ng kasamaan lalo na ng katiwalian.

Mula sa pagbuo ng NACCC ay itatatag naman ang Anti-Corruption Committee (ACC) na kasamang magbalangkas ng mga istratehiya, plano at mga polisiya na tatapos sa kurapsyon hanggang sa barangay level.

“Ngayong araw ay sinelyuhan na po ng Pangulong Duterte ang kanyang ipinangako na labanan ang katiwalian dahil ang NACCC ay isa ng institusyon na mananatili kahit tapos na ang panunungkulan ng kasalukuyang administrasyon,” pagtatapos ni Belgica.

Ang NACCC ay binubuo ng: Department of Agriculture (DA); Department of Agrarian Reform (DAR); Department of Budget and Management (DBM); Department of Education (DepEd); Department of Energy (DOE); Department of Environment ang Natural Resources (DENR); Department of Finance (DOF); Department of Foreign Affairs (DFA); Department of Health (DOH); Department of Human Settlements and Urban Development (DHSURD).

Department of Information and Communications Technology (DICT); Department of Interior and Local Government (DILG); Department of Justice (DOJ); Department of Labor and Employment (DOLE); Department of National Defense (DND); Department of Public Works and Highways (DPWH); Department of Science and Technology (DOST); Department of Social Welfare and Development (DSWD); Department of Tourism (DOT); at Department of Trade and Industry (DTI).

Department of Transportation (DOTr); National Economic and Development Authority (NEDA); Anti-Red Tape Authority (ARTA), Bureau of Customs (BOC); Bureau of Internal Revenue (BIR); Land Transportation Office (LTO); Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB); Philippine National Police (PNP); Bureau of Immigration (B.I); National Bureau of Investigastion (NBI).

Philippine Information Agency (PIA); Presidential Communications Operations Office (PCOO); Technical Education and Skills Development Authority (TESDA); Armed Forces of the Philippines (AFP); Presidential Adviser of Religious Affairs (OPARA); Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP); Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA); Food and Drug Administration (FDA); Philippine Overseas Employment Administration (POEA); Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Land Registration Authority (LRA);  Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth); Social Security System (SSS); Government Service Insurance System (GSIS); Maritime Industry Authority (MARINA); National Telecommunications Commission (NTC); Philippine Coast Guard (PCG); at Light Rail Transit Authority (LRTA).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here