CABANGAN, Zambales —Patay ang isang kandidato nang atakihin ito sa puso matapos malamang natalo ito sa halalan.
Kinilala ang biktimang si Crisolito “Lito” Nagma, residente ng Barangay San Isidro, Cabangan, Zambales, at tumakbo sa pagka-vice mayor ng bayang ito.
Ayon sa ulat nag-uugat ang sama ng loob ng biktima na tanggihan umano na maging vice mayor ng kasalukuyang Mayor na si Ronald Apostol na mapabilang sa kanyang partido dahil may napili na itong bise mayor.
Lalo pa umanong nalungkot ang biktima hanggang sa atakihin sa puso nang malaman na sa mismong barangay nito ay natalo pa siya sa eleksyon.
Si Nagma ay nakakuha ng botong 1,266, samantalang ang kanyang mga kalaban na sina Leo Bringas ay 4,636 at Dustin De Guzman ay 4,589 na boto.