Kay bilis talaga ng panahon. Mantakin mong Hunyo na pala. Ni hindi ko man lamang naranasan ang tag-tuyot dahil sa kalakasan at kadalasan ng mga pag-ulan. Bitin nga ang mga bata sa kanilang dapat na “summer vacation”.
Marami na rin ang mga pangyayaring umokupa ng ating mga dyaryo at telebisyon; mga usapang umabot mula palengke, opisina, kalye, at maging sa loob ng pamamahay. Kung sasariwain mo, ilan lang ang tumimo sa isipan ng mga tao.
Maliban sa suicide case ng asawa ni Ted Failon, Katrina-Kho sex scandal ang pinagpiepiestahan sa mga usapan. Ilang araw pa, makakalimutan na rin ang mga ito.
Mga usapin sa jueteng, fertilizer fund scam, Legacy group estafa, swine scam, noodles scam, Balikatan Fund scam… at sa lokal na usapan: graft and corruption sa quary collections ng mga nagdaang administrasyon sa Pampanga (na ngayon ay binubuhay ni Gov. Panlilio sa kanyang Plunder charges sa mag-amang Lapid); “jojo” group extortion sa Angeles; Plunder charge ni Gov. Garcia sa Bataan; recall election laban kay Gov. Panlilio sa Pampanga (na sinasabing patay na usapin at nailibing na); batuhan ng batikos ni Pagdanganan at Gov. Mendoza sa Bulacan; ang kaso ng isang professor sa Holy Angel na ilang ulit nang-rape ng kanyang estudyante; mga reklamo ng isang magulang sa Westfield International School sa Angeles City; at mga iba pang umokupa ng mga pahina ng lokal na babasahin… nasaan naba sila sa ngayon?
Tulad ng nagdaang “summer”, bahagya lang nating naramdaman. At sa pagbuhos ng bagong malalaking balita, tila natabunan na ng gumuhong lupa ang mga usaping ito.
Nabasa ko ang kolum ni Bong Lacson sa pahayagang ito ukol sa mga Power Thieves. Mataas ang binabayarang kuryente ng taumbayan dahil sa mga magnanakaw ng kuryente na kabilang sa “system loss charges” na tinatawag.
Nalaman ko na may mga hakbang pala na pwedeng gawin upang mahuli at mapagmulta ang mga magnanakaw ng kuryente. At wala silang magagawa kundi magbayad ng multa at danyos para hindi makasuhan.
Hindi ba’t dapat kasuhan ang mga kriminal na ito? Ang pagbabayad ng danyos at pagmumulta ay obligasyong kaakibat ng kanilang pagnanakaw. Ngunit ang pagbabayad nito ay hindi mangangahulugang absuelto na sila sa krimen na kanilang nagawa.
Hinihimok ko ang Pelco 1 at Pelco 2 na isiwalat sa publiko ang listahan ng mga magnanakaw na ito para maisampa ang kaukulang reklamong kriminal laban sa kanila.
At ang perang ibinabayad ng mga ito bilang multa at danyos, saan naman kaya napupunta? Kung ang taumbayan ang nagbabayad ng “system loss charges”, marapat lamang na ibalik ang perang ito sa taumbayan at hindi sa kumpanya ng kuryente.
At kung totoo ngang tayo ay miembro ng mga kooperatiba sa kuryente, bakit hindi tayo nakakatanggap ng dibidendo? Mabuti pa ang PLDT, minsan makakatanggap ka ng P100 pisong dibidendo.
Sana ay saklaw ito ng kapangyarihan ni Commissioner Zenaida Duquit ng Energy Regulatory Board, para magkaroon ng masusing imbestigasyon ang mga bagay na ito. Sana naman ay huwag itong paglipasan ng init.
Sa pagsampa ng kasong Plunder ni Panlilio laban sa mag-amang Lapid, ladlad ang ebidensyang magpapatunay. Ang koleksyon ni Panlilio sa isang taon na umabot sa P395.5 Million ay sadyang mas malaki pa sa labing isang taon na koleksyon ng mag-amang Lapid na umabot lamang sa P155.626 Million.
Malaki ang dapat ipaliwanag ng mag-ama sa akusasyon ni Panlilio. Sasamahan kaya ni Vice Gov. Guiao si Panlilio sa usaping ito? O mananatiling tahimik na lamang, taliwas sa kanyang kasagsagan noong nakaraang administrasyon?
Pag humupa ang ulan, kukubkubin tayo ng init na dulot ng liwanag ng araw. Sana nga ay magtapos ang usaping ito ng may liwanag.