Narciso gang leader todas sa engkwentro

    438
    0
    SHARE
    MABALACAT, Pampanga – Tinatayang natuldukan na ng pulisya sa Central Luzon ang mga ilegal na gawain ng notorious at marahas na Narciso Gang matapos mapatay ang pinuno nito sa isang shootout kamakailan.

    Ayon kay Supt. Baltazar Mamaril, tagapagsalita ng Phlippine National Police-Gitnang Luzon, ang napatay na suspek ay nakilalang si Ricardo Narciso, ang pinuno ng notorious na Narciso Gang na sinasabing sangkot sa serye ng robbery-holdup at pamamaslang sa rehiyon.

    Isang kasapi pa ng Narciso Gang na nakilalang si Marcos Pangan ay nasugatan matapos makipagpalitan ng putok sa mga pulis. Siya ay dinala sa Ramos Hospital sa Tarlac City .

    Ayon kay Mamaril, natiyempuhan ng mga kagawad ng Regional Intelligence Division ang mga suspek habang nagsasagawa ng isang surveillance operation sa Barangay Tabun, Mabalacat, Pampanga.

    Ngunit agad na tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo ng maramdamang sila ay sinusubaybayan ng mga pulis.

    Habang tumatakas, pinaputukan ni Narciso ang mga pulis, ngunit sa palitan ng putok ay napatay siya at nasugatan naman si Pangan.

    Nakarekober ang pulisya nga isang kalibre .45 at isang Honda Wave motorcycle mula sa pinangyarihan ng krimen.

    Ayon kay Mamaril, isinailalim sa order of battle ni Chief Supt. Arturo Cacdac, ang direktor ng pulisya sa Gitnang Luzon, ang Narciso gang dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa serye ng robbery holdap.

    Kabilang sa mga biktima ng mga suspek ay si Jesus Lusung ng Hensonville Angeles City na natangayan ng may P1-milyon noong Mayo 24.

    Noong Mayo 26, binaril at napatay ni Narciso si Tito Malubay ng agawin nito ang motosiklo ng biktima matapos maramdamang sinusubaybayan na siya ng mga pulis.

    Bukod dito, sangkot din ang mga suspek sa pagnanakaw sa Rodriguez Pawnshop na matatagpuan sa Madapdap resettlement sa bayan ng Mabalacat noong Setyembre 18, 2002 kung saan  humigit kumulang P1-million salapi at mga alahas ang natangay ng mga suspek.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here