LUNGSOD NG MALOLOS – Nagkapit-bisig ang kapitolyo ng Bulacan at ang National Power Corporation (Napocor) para sa proteksyon ng 56,000 ektaryang Angat Watershed bilang paghahanda laban sa epekto ng climate change.
Ito ay matapos lagdaan noong Biyernes, Abril 1 nina Gob. Wilhelmino Alvarado at ni Froilan Tampico, pangulo ng Napocor ang isang kasunduan para sa paglilinis ng mga nakalutang na troso sa kailugan ng dam.
Ayon kay Tampinco, dapat pangalagaan ang kabundukang nasasakop ng Angat Watershed dahil ito na lamang ang natitirang kagubatan malapit sa Kalakhang Maynila.
Ang nasabing kagubatan ay nabibilang sa mga biodiversity hotspot na dapat bigyan ng sapat na proteksyon.
Batay sa ulat na inilabas noong 2004 ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Department of Science and Technology (DOST), ang Angat Watershed na matatagpuan sa Sierra Madre ay nangunguna sa talaan ng pinaka-kritikal na watershedsa bansa.
“The Napocor commits its sincere resolve to attain a sustainable environment that will be able to cater of our present needs and that of the future generation,” ani Tampinco.
Sinabi niya na napapanahon ang pangangalaga sa Angat Watershed dahil nararansan na sa bansa ngayon ang epekto ng climate change.
Ayon kay Tampico, ang kalikasan ng bansa ay “showing potentials to change not only the physical aspect but also on social and economic status of the country.”
Inihalimbawa niya ang malalakas na bagyo, malalim na pagbaha at mga mapaminsalang pagguho ng lupa bilang ilan sa mga halimbawa ng hagupit ng kalikasan.
“The message is clear, there is changing climate in our midst and unless we take the necessary and appropriate steps we will not survive nature’s retaliation,” aniya.
Ang mensahe ni Tampinco ay kanyang inihayag matapos lagdaan ang isang kasunduan kung saan ay makakatulong nila sa paglilinis sa watershed ang kapitolyo ng Bulacan.
Binigyang diin niya na ang pananatili ng mga trosong nakalutang sa kailugan ng dam ay makakaapekto sa kanilang operasyon at maging sa tubig na kanilang pinadadaloy sa kalakhang Maynila.
Ang mga troso at iba pang kahoy na nakalutang sa reservoir ng dam ay hatid ng mga bagyong Winnie at Yoyong na nanalasa sa Gitnang Luzon noong Nobyrembre at Disyembre 2004.
Dahil sa lakas ng hangin at ulan na ibinuhos ng magkasunod na bagyo, napinsala nito ang 13-kilometrong Umiray Angat Transbasin Project (UATP) tunnel.
Ito ay dahil sa ang mga pinutol na troso, bato at putik na natangay ng rumagasang tubig sa Umiray River sa Quezon ay pumasok at natangay sa loog ng 13-kilometrong tunnel.
Hindi nagtagal ang nasabing tunnel ay nagbara dahil sa mga troso, putik at bato. Ang bunganga nito ay matatagpuan sa Umiray River at ang dulo ay nasa Sitio Macua sa bahagi g Angat Watershed.
Ngunit bago tuluyang magbara ang tunnel, rumagsa ang tubig na lumabas sa Sitio Macua tangay ang mga troso. Maging ang libingan ng mga itim na container na ginamit ng mga Italyanong kontraktor sa pagbutas ng tunnel ay nahukay, kaya’t nakasama ng mga troso na kumalat sa kailugan ng Angat dam ang mga nasabing container.
Ang mga itim na container na may tatak pang bungo at magka-ekis na buto at agad ipinapulot ng Manila Waterworks and Sewerage Service (MWSS) sa mga katutubong umagat matapos mabasa ang ulat ng mamamahayag na ito noong Pebrero 2005.
Ang mga troso’t kahoy naman ay ipinatipon ng Napocor sa pamahlaaang bayan ng San Ildefonso matapos itong lumagda sa kasunduan para sa retrieval operation.
Ang mga nasabing troso ng inipon at hinakot ng Pamahalaang bayan ng San Ildefonso ay gagamitin daw para sa kanilang housing project.
Ngunit ayon kay Emmanuel Umali, manedyer ng Angat Watershed, hindi natupad ng pamahalaang bayan ang san Ildefonso ang isinasaad sa kontrata kayat iyon ay ipinatigil.
Dahil dito, inialok ng Napocor sa kapitolyo ang responsibilidad sa pagtitipon ng mga troso at kahoy na nakalutang sa kailugang ng Angat dam watershed.
Ikinatuwa naman ito ni Alvarado lalo na ngayong nasa ilalim ng total log ban ang bansa, na isang dahil upang maantala ang konstrusyon ng mga silid aralan at mga silya paaralan.
“It is a good time for the retrieval because President Aquino issued a total log ban, but we can use the logs that will retrieved for the needs of public schools,” ani Alvarado.