Ang lakas ng sales ng album ng baguhang recording artist na si DK Valdez entitled ‘DK Valdez.. It’s All About Love’ na release ng BWB Records.
Base sa record, nu’ng Abril 2 to 8 ay nanguna siya sa Astrovision/Astroplus top-sellings album, mapa-OPM at foreign. Kinabog niya ang benta ng album nina Angeline Quinto, David Archuleta,Lea Salonga, Basil Valdez Christian Bautista, Bamboo atbp.
Nag-number 2 naman siya sa sales nu’ng April 30- May 6 na kung saan album ni Xian Lim na ang nanguna.
Pinupuri ang boses ni Dk. Hitsurang anak niBasil Valdez sa lamig at nakaka-in love na boses.Makabagbag damdamin ang carrier single niyang “Tatanggapin Pa Ba kita?’
“Ginawa ko yun sa Thailand, madaling araw. Habang kino-compose ko ay di ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Girlfriend ko siya sa Pinas na bumabalik sa akin after na makipag-boyfriend sa iba nu’ng magtrabaho ako sa abroad ,”kuwento niya.
Homebase siya sa Thailand na kung saan ay kumakanta sa mga hotels at bars. Tuwing September hanggang December ay umiikot siya sa Europe para mag-show na kung saan ay may 150 orchestra siya at 200 choir na back-up.
Tatlong taon na niya itong ginagawa sa tulong ng isang German na nagngangalang Maestro Win Siegfried Pentek.
Bumalik siya sa Pilipinas para mag-recording at tuparin ang kanyang pangarap na magkaroon ng solo album sa ating bansa.
Napapaloob sa album ni DK ang mga kantang ‘Just To Make You Stay,’ ‘Tatanggapin Pa Ba Kita,’ ‘Just Face Our Love Again,’ ‘Kahit Ano’ng Sabihin,’ ‘Akalain Ko Ba?’ ‘I’ll Be Right There For You. ‘ Singsing,’ ‘My Love Will See You Through,’ ‘Laging Babalikan’ at ‘Walang Ibang Mahal’.
Ni-revive ni DK ang kanta ni Toni Gonzaga na ‘Akalain Ko Ba’ na composed ni Boy Christopher na siya ring album producer. Ganoon din ang ‘My Love Will See You Through’ na kanta ni Marco Sison.
Magpe-perform ulit sa Europe si DK at gusto niya pagbalik niya sa Pinas ay magkaroon siya ng solo concert. Dream niya na makasama sina Sarah Geronimo at Angeline Quinto.
Bigyan natin ng daan sa industriya ng Musika si DK Valdez.