Nang dahil lang sa pulitika

    729
    0
    SHARE

    (Karugtong ng sinundang isyu)

    Pero bakit pati itong ‘City College’
    Na kailan lang pinatayo sa Angeles
    Ng ‘world class city Dad’ nilang si Mayor Ed
    Ay isinasali ng kanyang ‘opponent’
    Sa ilang bagay na di kino-‘considered’
    Ng mga yan ‘as a major accomplishment’
               
    Ng administrasyon ng isang kagaya
    Ni EdPam dahil sa di kinikilala
    Umano ng CHED ang pinatayo niya
    Bilang isang kolehiyong rehistrado na
    At may permit na rin sa CHED kumbaga
    Para tumanggap ng mag-aaral nila?

    Yan ba naman ay kailangan pang kwestyonin
    Ng kung sino pa mang Angeleño na rin
    Partikular na riyan ng maka-Lazatin?
    Pagkat wala namang dapat masamain
    Sa pagpapagawa n’yan kung susuriin,
    Kahit sa alin mang anggulo silipin.

    O nang dahil lamang sa wala na tayong
    Posibleng ibutas sa Alkalde ngayon
    Kung kaya pati na mga matitinong
    Bagay o proyektong kanyang naisulong
    Bunsod ng pagiging mabilis umaksyon
    Bilang isang responsableng City Mayor

    Ay ninanais na palitawing mali
    Partikular na ang mga katunggali,
    Na di mapanatag at nagmamadali
    Sa hangaring sila’y makabalik muli;
    (Kung saan hayan at pati ‘daga’ dati
    Sa city hall handang magpista uli?)

    At saka ano ang ikinapuputok
    Ng butsi ng dating mga nagsiluklok,
    Ngayong si EdPam ay biglang pumaimbulog
    Bilang isang ‘World Class’ na Mayor ng Lungsod;
    Na kagaya nitong ibang napabantog
    Sa larangan ng pagsisilbi nang lubos.

    Na kinilala ring World Class City Mayors
    In terms of good governance and dedication
    To their bound services being public figure;
    Kung saan kabilang ang ‘city Dad’ ngayon
    Ng kilalang lungsod, nasiyang ‘mother town’
    Mismo ng Angeles na Culiat po noon.

    Bakit imbes ating ibigay sa isang
    Tao ang papuri na marapat naman
    Ay kung anu-anong itong ibibintang
    Nitong iba para lang siya siraan?
    O sadyang likas na sa ating lipunan
    Ang ganitong klase riyan ng kalakaran?

    (Na ang mabubuti ay isinusuong
    Sa panganib at sa pugad ng linggatong?
    Na kagaya nina Bonifacio noon,
    Kung saan kamandag din naman at lason
    Ng pulitika ang sa kanya nagbaon
    Sa hukay ng lagim nang panahong iyon

    Na matindin na rin ang apoy kumbaga
    Ng marumi-rumi na ring pulitika
    Na namagitan kay Emilio at saka
    Sa kabalen nating si Andres, kaya siya
    Pinapatay sa Cavite nitong isa
    Para wala na siyang maging kaagaw pa?

    Sa pagka-pinuno r’yan ng itinatag
    Na kilusan nitong nagtiwala’t sukat
    Kay Emilio,sa pag-aakalang tapat
    Na kasangga ito, kaya napahamak
    Si Andres sa kamay ng isang mautak).

    Ano’t hindi muna kaya magbigayan
    O magparaanan sa panunungkulan?
    Kaysa sila-sila ay mag-aagawan
    Sa iisang puesto sa kasalukuyan;
    Kung saan pati na pagkakaibigan
    Nila’y nasisira sa puntong naturan?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here