Nancy Binay, nagpasalamat kay Vice Ganda

    402
    0
    SHARE

    SA halip na magalit ay natuwa pa si Nancy Binay nang "tirahin" siya ni Vice Ganda tungkol sa kawalan niya ng karanasan bilang pulitiko.

    May nagsasabing nakatulong pa nga ito sa popularidad ni Nancy Binay. At kung manonood siya (Binay) ng concert ni Vice sa Araneta Coliseum sa May 17 kasama ang mga anak na fans ni Vice, tiyak na mas ma-appreciate siya ng mga tao.

    May nagsasabi pa nga na baka balang araw, maging closefriends pa ang dalawa tulad ng ibang mga nakabangga ni Vice na ngayon ay mga kaibigan na niya tulad ni Ai Ai delas Alas na kasama pa niya sa concert.

    Kaya lang, hanggang ngayon, marami pa rin ang nagpapasalamat sa Twitter at sa Facebook sa mga hindi bumoto rito. Sinasabi ng mga Nancy detractors na mabuti yun para sa bayan.

    Pero hindi pa natin alam ang resulta. Hindi rin natin hawak ang kagustuhan ng nakarararami.

    Samantala, tapos na ang eleksyon 2013.

    Kami mang members ng press ay naging abala rin sa paghingi ng tulong ng mga kandidato lalo na ng tumatakbong senador. Napahinga kami ng ilang araw sa pag-iinterbyu ng mga artista and now that the election campaign is over, back to normal na kami. Makakausap na uli kami ng mga artista!

    Of course, be wise in choosing your candidates. Sa parte namin, huwag sanang makalimot ang mga pangako ng mananalong senador!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here