Namumroblema ang staff ng teleseryeng pinagbibidahan ng isang young actress dahil sa nanay nitong pakialamera. Ang usapan nga, ang nanay pang ito ang mas naunang lumaki ang ulo dahil sikat na ang anak niya ngayon.
Kapag nalalasing daw ang nanay na ito ay tinatawagan ang staff ng serye at kung anu-ano ang sinasabi.
“Minumura niya ang staff at sinasabing pinapagod daw masyado ang anak niya, kesyo wala na raw pahinga, hindi na raw natutulog, etcetera. Naloloka ang staff sa kanya,” kuwento ng aming source.
Dahil top-rating ang serye ng anak niya, gusto ng produksyon na i-extend ang show pero tumanggi raw ang nanay dahil nga pagod na raw ang anak niya.
“Saan ka naman nakakita na ine-extend na nga ’yung show, sila pa itong tumatanggi? Umaayaw sila sa trabaho gayung ang dami ngang artistang walang project, masuwerte nga ang anak niya at na-extend, dapat matuwa sila,” say ng aming source.
Ang nakakatawa pa, dahil ayaw nga nitong si madir na ma-extend ang show, nag-threaten daw ito sa produksyon na patatabain ang anak niya. Kailangan kasi sa role ng anak niya ay sexy kaya tiyak na mamumroblema nga naman ang staff kung mataba ito.
“Pakakainin daw niya ng mga pampatabang pagkain ang anak niya para raw tumaba. Mantakin mong nanakot pa siya nang ganu’n,” natatawang say ng source namin.
Actually, kapansin-pansin na nga ngayon sa serye ang pagdagdag ng timbang ng young actress kaya baka nga pinapataba na ng ina niya.
Wala pa naman daw silang napapansin sa young actress na lumalaki na ang ulo pero parang ganu’n na rin daw dahil who knows, baka kung anu-ano rin ang kinukuwento niya sa nanay niya kaya nagkakaganu’n ito.
Oh well, sayang naman dahil may potensyal pa naman ang young actress. But remember, in this business, kahit gaano ka kasikat, kapag umiral na ang paglaki ng ulo mo, wala ring mangyayari sa iyo.