Nalaos nang singer tatapat sa mga sikat

    405
    0
    SHARE
    Isyu ngayon na kinuhang contract artist ng Viva Artists Agency si Champagne Morales, pantapat daw kay Sarah Geronimo. Pumirma kasi ang comebacking singer ng two years sa Viva at renewable ng one year.

    Nilinaw ng VAVA na magkaiba ang linya nina Sarah at Champagne. Mas magco-concentrate si Champagne sa hosting panlaban kina Toni Gonzaga, Nikki Gil, at Bianca Gonzales. Gusto talaga ng Viva na ma-explore si Champagne bilang host. Doon muna ang focus nila kaya bibigyan daw siya ng isang show sa cable  channel. Pero balak din nila itong bigyan ng second album.

    Kung sabagay, produkto ng SOP si Champagne at naging co-host din noon ni Manny Pacquaio sa Sports Idol ng IBC 13. Tinanong nga namin si Champagne kung hindi ba siya pinagselosan noon ni Jinkee Pacquiao? Hindi naman daw. Actually, ipinagtatanggol pa nga raw siya noon na hindi siya ganoong klase ng babae. Kilala raw siya ni Jinkee.

    Noong bigyan nga siya ni Pacman ng tiket para manood ng kanyang laban sa abroad, kasama naman niya ang kanyang daddy kaya  wala talagang tsismis na nangyari sa kanila.

    Matatandaang si Champagne ang naging champion ng Metro Pop Star Search for a Star ng GMA-7 noong 1998.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here